ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Akihiro, Daniel and Fabio reveal their showbiz crushes


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sumalang recently ang mga hunk model turned actors na sina Akihiro Sato, Daniel Matsunaga at Fabio Ide sa iGMA Live Chat. Naging challenging at masaya raw sa tatlo ang kanilang experience kung saan inamin nila kung sino ang kanilang mga crush sa showbiz. Maraming na-discover ang mga fan about Akihiro, Daniel, and Fabio last Monday (April 26), sa kanilang kauna-unahang iGMA Live Chat. Magkakaiba ang kanilang naging reaksiyon sa kanilang bagong experience. “[I was] kind of nervous because hindi ko alam [kung] ano’ng sagot kasi maraming questions ‘di ba?" kuwento ni Akihiro. “Pero what’s nice is what the people think and what they want to ask to us. That’s the important thing." “It’s nice because it’s challenging, right?" Daniel said. “We don’t know any questions there, we just find out which question we have to choose. It’s very nice." Very open naman silang sinagot ang mga question ng mga fans. Kaya naman nasulit daw nila ang kanilang bonding moments with their fans. “We don’t have [anything] to hide from anyone," ayon naman kay Fabio. Hindi namili ng mga sasagutin sina Aki, Daniel at Fabio. Aside from the questions na tinanong sa kanila ng mga fans sa live chat, the three also shared kung sino ang kanilang mga crush sa showbiz. “Eugene [Domingo]", sagot ni Fabio. “Sobrang gusto ko siya kasi sobrang adorable, like mabait, matalino, yeah I would say Eugene. I love Eugene." Hindi naman patatalo sina Akihiro at Daniel, na tig-dalawa ang isinagot. “Puwede dalawa?" tanong ni Aki. “Iza Calzado, she’s really mabait. At ‘tsaka si Jolina. I just met Jolina sa Panday Kids, sobrang nakakatawa. She’s really fun and beautiful." “Kris Bernal," sagot naman ni Daniel, “because we were good together in The Last Prince." Pabiro naman nitong idinagdag ang kanyang co-star sa D’Survivors na si K Brosas. “Maybe K Brosas, because we did a movie right," natatawang pahayag ni Daniel. May mensahe naman ang tatlo para sa kanilang mga fans na naki-bonding sa kanila sa nakaraang live chat. “We love you guys, and thanks so much for asking the questions [so] we can share with you guys," said Daniel on behalf of Aki and Fabio. Kung na-miss ninyo ang live chat last Monday, puwede pa ring malaman ang kanilang mga sinagot na questions. Abangan ang transcript ng buong live chat sa mga susunod na araw, exclusive sa iGMA.tv. - iGMA.TV