GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

‘Kris Aquino's Despedida’ FB group creating buzz online

May 13, 2010 4:22pm

“Hatid natin sya lahat tayo nka-white shirt at may dala lobo..maglagay na rin tayo ng black pin sa chest natin..paliparin natin yung lobo pag-alis nya…’

Isa lang ito sa mga nakasulat sa wall ng binuong fan page sa Facebook na tinawag “Kris Aquino’s Despedida" na mayroon ng 10,416 “fans" (11:30 pm Huwebes) mula nang i-post ito noong May 10 elections.

Ang naturang fan page ay "nakatuwaan" lang umanong gawin para alalahanin ang naging pahayag noon ni Kris nang magkaroon sila ng hidwaan ni Annabelle Rama, ina ni Ruffa Gutierrez.

Nabanggit noon ni Kris na kapag nanalong presidente si Sen Benigno “Noynoy" Aquino III, at maging dahilan siya ng sakit ng ulo, ay aalis siya ng Pilipinas.

“I promised Noy that if he does win and I’m a cause of stress for him and his presidency, I’ll gladly take my two boys and live anywhere ...," pahayag ni Kris noong kainitan ng kampanya.

Paliwanag ng gumawa ng naturang FB group na katuwaan lang ito at wala umano siyang galit kay Kris. Ilan sa mga bagong komento at reaksiyon na nakalagay sa wall ng FB group ay:

‘Ha ha ha. Start packing your bags, Kris."

“pls invite all your friends... para matupad na ung promise nya... bye kris!"

“i joined this page coz i was curious…no idea it would be so much fun hahah!! thanks much u guys, u made my day..i could sleep now with a smile on my face and dream of kris living in namibia.."

Ngunit hindi lahat ng nasa FB group ay negatibo ang sinasabi tungkol kay Kris. Isa sa mga kasama sa grupo ang nagpaliwanag tungkol sa sinabi ng actress at television host.

“No need for Kris to fulfill her promise - yet - she hasn't broken anything. Her promise has two conditions: 1) noynoy wins; and 2) after the win, she becomes a cause of stress for him and his presidency. Fulfillment of the 2nd condition is partly dependent on noynoy . If he keeps quiet and doesn't say she stressed him, she stays."

“sa mga nagpapa-alis ni kris....wag kalimutan na 13 milyon ang bomoto kay Noy2...... bwhahahaha... dapat malampasan nyo yun..."

Samantala, isang fan page naman ang ginawa na sumuporta kay Kris na tinawag na “Leave Kris Aquino Alone." Sa kasalukuyan mayroon pa lang 25 fans ang nagmarka rito ng “like."

Kris aalis pero…

Sa online news site na Philippine Entertainment Portal, na sinulat ni Mark Angelo Ching nitong Huwebes, sinabi nito na nagbigay ng pahayag si Kris tungkol sa naturang "Despedida" FB group.

Ipinaalam ni Kris na aalis siya ng bansa kasama ang mga anak ngunit hindi dahil para gawin ang naging pahayag niya noon kundi para lang magbakasyon na naudlot dahil sa pagpanaw ng inang si dating pangulong Cory Aquino noong August 2009.

Sa text message na ipinadala umano ni Kris kay Jo-Ann Maglipon, editor in chief ng PEP, nakasaad dito na: "Hello Jo-ann from Boracay. Slept 14 hours, now watching baby james & josh swim in the villa pool that faces the sea."

Nakasaad pa sa text message na paalis sila ng kanyang mga anak para magpunta sa "Disney" at sa May 17 na siya babalik.

"During the entire campaign it was a non-stop assault on me as a person, a mother & a sister. Well they didn't succeed then & w/ the love & support of my sisters & my brother they won't succeed now," ayon pa kay Kris. - FRJ, GMANews.TV




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus