German Moreno overwhelmed by reopening of Metropolitan Theater
Makalipas ang mahabang panahon ng pananahimik, muling narinig ang sining ng musika sa Metropolitan Theater (MET) sa Maynila nitong Miyerkules nang isagawa ang inaugural show kung saan nagsilbing host si German âKuya Germs" Moreno. Nagsilbing host sa seremonya sa muling pagbubukas ng MET si German nitong Miyerkules ng gabi kung saan nagtanghal sina Dulce, Kris Laurence at Gian Magdangal. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, namalas ang kasiyahan ni Kuya Germs dahil magkaroon ng katuparan ang kanyang pangarap na muling mabuksan ang teatro na ilang ulit nang nagsara at ang pinakahuli ay noong 1996. Noong 2007 ay nakipag-ugnayan ang Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino (KAPP) sa pangunguna ni Kuya Germs kay Manila Mayor Alfredo Lim upang hanapan ng paraan para makumpuni ang teatro at magamit muli sa pagtatanghal.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Bumuo naman si Lim ng isang komite na mamamahala sa programa para sa restorasyon ng MET kung saan tinatayang aabot sa P50 milyon ang kakailanging pondo para makumpuni ang teatro. âNais kong ipaabot ang pasasalamat sa ating (Kapuso) Network na nagdonate ng upuan at doon sa sangkatutak (na tumulong) na âdi mo alam talaga kung papaano mo mapapasalamatanâ¦Sana po talungan natin ang MET sa kanyang pagbabalik," pakiusap ni Kuya Germs. Ang MET ay itinayo noong 1935 mula sa disenyo ng Filipino architect na si Juan Arellano. Hinangaan ang disenyo ng MET lalo na ang nakalagay na bronze statues ng imahe ng babae na nasa tuktok na harapan ng teatro. Sa MET ginaganap ang mga magarbo at sikat na pagtatanghal noon katulad ng vaudeville at opera hanggang sa mapabayaan din ito at magsara noong 1960s dahil napabayaan. Muli itong nagbukas noong 1970s matapos makumpuni. - Fidel R Jimenez, GMANews.TV