GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

A glimpse into the house of Charice Pempengco

July 2, 2010 11:47pm
Pinatuloy ng international singing sensation na si Charice Pempengco ang GMA News sa kanyang tahanan sa Tagaytay na surpresa niyang iniregalo sa kanyang ina.

“Susi lang muna ang ibinigay ko…sabi niya ano raw ‘yon…(tapos) umiyak siya," masayang pagbabalik-tanaw ni Charice sa araw nang supresahin niya ang ina sa iniregalo niyang bahay noong Mother’s Day.

Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabi ni entertainment reporter Nelson Canlas, na elegante ang bahay at lutang na lutang kulay pula sa mga gamit sa ibaba katulad sa living room at dining area.

Personal daw na pinili ni Charice ang mga gamit dito at wala na raw siyang mahihiling pa sa kanyang bahay. Ipinakita rin niya ang kanyang kuwarto, maging ang mga gamit tulad ng mga damit, sapatos at gadgets.




Paborito raw niyang lugar sa bahay ang kinalalagyan ng entertainment center at mini billiard table. Malayong-malayo raw ito sa dati nilang pamumuhay noong nagsisimula pa lang siyang sumali sa mga singing contest.

“May mga time na talagang nanghihiram pa kami ng gamit; pinapahiram kami ng mga kapitbahay ganun. Nakaipon lang kami ng appliances nang sumali na ako sa singing contest," kuwento ni Charice.

Simpleng tao lang daw si Charice kaya kontento na raw siya sa kanyang mga naipundar. Ang mahalaga lang daw ay nakasisiguro siya na may lugar siyang uuwian matapos ang kanyang mga trabaho sa loob o labas man ng bansa. - FRJimenez, GMANews.TV
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus