GMA News Online Showbiz » Chika Minute

Carmina Villarroel ready to face her ex-husband BB Gandanghari

July 27, 2010 11:55pm
Bagaman aminadong kinakabahan, sinabi ni Carmina Villarroel na handa na siyang makaharap ang dating mister na si Rustom Padilla na mas kilala na ngayon bilang si BB Gandanghari.

Ayon kay entertainment reporter Lhar Santiago, ang makaharap si BB Gandanghari ay kabilang sa planong gawin ni Carmina ngayon taon, bukod pa sa pagpapakasal nila ng “partner" na si Zoren Legaspi.

“Iyon ang sabi ko kay Carmina na it’s time to face the music. At least nakakatuwa na makikita buong Pilipinas kung paano kayo mag-usap for the first na ganoon na siya (BB)," pahayag ni Zoren sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.

Sinabi ni Carmina na nais niyang maganap ang paghaharap nila ni BB Gandanghari sa talkshow nila ni Zoren na “Love ni Mister, Love ni Misis" na magsisimula sa August 9.

“Nininerbiyos ako ‘di dahil may galit o anything. Kasi parang I’m facing a new person. Kung tutuusin hindi pa talaga kami magkakakilala kasi ibang tao na nga siya (BB)," paliwanag ni Carmina.




Dahil dito, may panawagan si Carmina kay BB Gandanghari: “BB if you’re watching we really like to have you as our guest sa show naming. So kung napapanood mo ‘to, kontakin mo na lang kami hindi ko alam kung papano pero maliit lang naman ang mundo sabi ni Zoren."

Kasal kay Noynoy

Tungkol sa kasal, sinabi ni Zoren na nais niyang mangyari na ito ngayong taon at si Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III, ang nais nilang magkasal sa kanila.

“Gusto ko siya (Noynoy) as a person, maganda ang feeling ko sa kanya. I have a nice nice feeling about our president. Parang gumaang ang Pilipinas dahil sa kanya," ayon kay Zoren.

Dagdag naman ni ni Carmina: “Siguro kaya magaang ang loob namin because alam namin kung papaano siya bilang isang anak." - Fidel R Jimenez, GMANews.TV
We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus