Comedy King Dolphy, Vic Sotto visit Redford White’s wake
Ang Comedy King na si Dolphy at Comedy Prince na si Vic Sotto ang bumisita sa lamay ng pumanaw na komedyanteng si Redford White. Ayon sa tagapagsalita ng pamilya ni Redford, dumiretso si Dolphy sa burol ng komedyante pagdating nito sa bansa mula sa Hong Kong. âSi manong Dolphy galing pa ng Hong Kong, kabababa lang ng eroplano hindi na muna umuwi⦠Ang mensahe (naman) ni Boss Vic sa pamilya eh lalong magpakatatag. Nakita naman ni Boss Vic na hindi nagpabaya si Redford sa career niya," ayon sa Woodrow Serafin, sa panayam ng Chika Minute sa GMA news 24 Oras nitong Martes. Nagkasama sina Vic at Redford sa isang sitcom noon sa GMA 7. Habang ang anak ni Dolphy na si Eric Quizon naman ang nakatambal ni Redford sa sitcom na Buddy and Sol.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa naturang ulat ni entertainment reporter Audrey Carampel, sinabi nito na nasa ibang bansa si Eric kaya hindi na ito makadadalaw sa burol ng kaibigan. Gayunman, nagawang bisitahan ni Eric si Redford bago ito pumanaw noong Linggo dahil sa sakit na cancer. (Basahin: Redford White, actor-comedian, is dead) âNagkausap pa sila (ni Eric) kaya tuwang-tuwa si Redford," ayon kay Serafin. âParang simula nang magkasakit si Redford âyon yung pinakamasayang araw nung magkaharap silang magkaibigan⦠Nagyakapan sila, inumpisahan muna sa konting iyakan, tapos tinapos sa tawanan." Nakatakdang ilibing si Redford sa Sabado, dakong 3 p.m. sa Our Lady of Peace Memorial Garden sa Bulacan. â FRJimenez, GMANews.TV