ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Did Jolina Magdangal, Mark Esqueta tie the knot in US?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinasinayaan kamakailan ni Jolina Magdangal ang bagong branch ng kanyang boutique sa Tagaytay. Dito ay nilinaw ng singer-actress ang balitang nagpakasal sila ng boyfriend niyang si Mark Esqueta nang magbakasyon sila sa Amerika. Sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas, sinabi nito na dalawang linggo sa US sina Jolens at Mark, kung saan ang dapat sana’y working trip ay biglang naging bakasyon na rin ng dalawa. Ngunit paglilinaw ni Jolina, walang kasalang naganap sa US at hindi umano niya ito ililihim sa publiko kung totoo man. “Hindi namin isi-secret ‘yon (kasal) siyempre. At saka maganda yung planado," paliwanag ni Jolens sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “May inasikaso siyang trabaho saka nag-show siya sa Virginia. Tapos matagal na rin naming gustong pumunta dun kasi family ko rin nandun ‘yong iba, so naging instant bakasyon siya," idinagdag ni Mark. Tinanong din si Jolina kung paghahanda na ba sa pag-aasawa ang pagpasok niya sa mga negosyo tulad ng bagong branch ng kanyang boutique sa Tagaytay? “Napag-uusapan ‘yon, anong business yung gusto mo? maganda ba kung ganito, ganyan? Natutuwa ako kapag nagkakaroon kami ng ganung conversation, hindi puro alam mo ‘yon, tipikal na puro pa-sweet," ayon kay Jolina. Tugon naman ni Mark: “Masarap ding sigurong magnegosyo na may partner ka na talagang susuportahan ka, saka katiwala mo talaga." Ayon pa kay Jolina, biyaya niyang itinuturing ang pagdating ni Mark sa buhay niya. “Lagi kong sinasabi na blessing siya sa akin. Nagkaroon ako ng ibang pananaw sa buhay," sambit niya. - Fidel R Jimenez, GMANews.TV