Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

PEP: Kris Aquino happy about James Yap and his rumored date with Isabel Oli

October 16, 2010 1:20pm

Nagbigay ng pahayag si Kris Aquino ukol sa mga naganap na "date" ng dalawang lalaki sa buhay niya: ang asawang si James Yap at ang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino.

May usap-usapang nakita umano na nakikipag-date si James sa aktres na si Isabel Oli noong isang linggo sa isang mall. Bagamat itinanggi na ito nina James at Isabel sa magkahiwalay na interbyu, hindi na rin napigilan ni Kris magbigay ng kanyang panig.

Sa report na inere sa TV Patrol nitong October 15, sinabi ni Kris na masaya siya na nakikipag-date na ang kanyang asawa. Nagsampa na si Kris sa korte ng nullification of marriage nila ni James.

"I praise God and I thank God... for that. Kasi, the quicker he moves on, and the faster na meron siyang magustuhan talaga, hindi na niya pahihirapan yung annulment," prangkang sabi ni Kris sa panayam ni ABS-CBN reporter Marie Lozano, sa set ng Dalaw, ang entry ng Star Cinema sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

Dagdag pa niya, kilala raw niya si Isabel sa mga commercials nito sa TV. "She's really very pretty," sabi ni Kris.

Sa pagde-deny naman ni James, ito ang komento ni Kris: "Siyempre ide-deny niya! Katabi niya yung lawyer niya."

Ang tinutukoy ni Kris ay ang legal counsel ni James na si Atty. Lorna Kapunan.

ON NOYNOY'S DATE. Ngunit pagdating sa nababalitang pakikipag-date ng kanyang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino sa isang babeng nagngangalang "Barbie," ayaw magkomento ng Queen of All Media.

"Napagsabihan ako talaga na, 'May I remind you, ikaw ang bunso. So when it comes to my romantic life, hindi ikaw ang dapat nagbibigay ng advice," kuwento niya tungkol sa habilin ng kapatid na lalaki.

"He's single! Di ba? So he's allowed to date," ang siyang tanging nasabi ni Kris.

Maganda naman ang mensahe niya para kay Valenzuela City Councilor Shalani Soledad, na napabalitang break na kay Pangulong Aquino.

"Kung anuman ang pupuntahan nilang dalawa, naging mabait naman si Shalani sa aming lahat, so I also wish her happiness," sabi ni Kris.

May balita namang napapalapit na ang Pangulong Aquino sa stylist nitong si Liz Uy. Tumanggi rin si Kris na magbigay ng kanyang opinyon dito.

"Ultimately, buhay nila 'yan, at malalaki na sila. Mahirap magsalita, kasi nga sobrang closeness namin," aniya. - Mark Angelo Ching, PEP




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement
advertisement
advertisement