ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Obispo nangangambang maging palengke ng human organ ang Pinas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pamahalaan na bigyan ng pagpapahalaga ang kasagraduhan ng katawan ng tao. Bunga ito ng mga ulat na muling umigting ang bentahan ng bato (kidney) na ang mga nabibiktima ay mga mahihirap na Pilipino. Sa panayam ng isang himpilan sa radio, nagpahayag ng pangamba si Malolos Bishop Jose Oliveros, chairman ng Episcopal Commission on Bioethics ng CBCP, na lalo pang titindi ang kalakaran ng bentahan ng bato kapag tuluyang inalis ang kautusan sa Department of Health na nagbabawal sa mga dayuhan na sumailalim sa kidney transplant sa Pilipinas na walang donor ng bato.
Isa si Rommel Villanueva mula sa Lopez, Quezon na nag-donate ng kidney sa halagang P80,000. Matapos ang operasyon, hindi na siya nakabalik sa dating trabaho bilang construction worker dahil hindi na niya kayang bumuhat ng mabigat na bagay. Candice Montenegro
Ipinatupad ang kautusan ni dating DOH Sec Francisco Duque bunga ng mga paniwala na lumaganap ang bentahan ng bato sa Pilipinas dahil handang magbayad ng malaking halaga ang mga dayuhan para sa operasyon at “bumili" ng bato. Batay sa mga naglabasang ulat, umaabot sa P60 hanggang P120,000 ang presyo ng bato na binibili sa mga “donor" na galing sa mahirap na pamilya. Ngunit nagpahayag ng pangamba si Oliveros na lalo pang lumala ang problema sa organ trafficking bunga ng napaulat na pahayag ng bagong kalihim ng DOH na si Enrique Ona na nais nitong repasuhin ang kautusan na ipinalabas noon ni Duque. Si Ona ay isa sa mga kinikilalang pinakamahusay na kidney transplant surgeon sa bansa at nasa likod ng programang “kidney tourism" bago ipinatupad ni Duque ang limitasyon sa kidney transplant sa mga dayuhan. (Basahin: New DOH chief sparks fears of return of kidney trade) “I think we should consider and act on sale of human organ according to our faith conviction. It is immoral so we should not be carried by monetary gained in considering that they are people who need this but we should do this properly," ayon sa Obispo sa panayam ng Radyo Veritas nitong Biyernes. Nanawagan si Oliveros kay Aquino na manguna sa pamamagitan ng pagbibigay ng direktiba sa mga kinauukulan na mahigpit na ipatupad ang batas laban sa organ trafficking. “Lets maintain it for our pride and moral reasons. Kawawa naman tayo kung tayo ay magiging palengke ng human organ," idinagdag niya. Nagpahayag din ng panghihinayang si Oliveros nang hindi umano maimbithan ang Simbahang Katoliko sa isang international forum na ginanap kamakailan na posibleng natalakay ang usapin ng organ trafficking. “So we re alarmed and even the Vatican was alarmed that we had been receiving some communication if we can represent the stand of the church in that forum, ang problema hindi kami imbitado at hindi puwede mag-gate crash," aniya. Sa kabila nito, tiniyak ni Oliveros na patuloy na mgiging mapagmatyag ang Simbahan at magkakaloob ng impormasyon sa publiko tungkol sa organ trafficking. “We will have to mobilize, media awareness, make people of what is happening. Mobilized everybody who are concern with this matter. Mahirap kasing kumilos ngayon, hindi natin alam kung nakakarating sa Pangulong Aquino ang aming mga liham," dagdag ng obispo.