We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pagdating ko pa lang dito ay nakaramdam na ako ng pagka-ilang sa mga tao. Pakiramdam ko ay pinapakiramdaman din nila ako. Para bang first time pa nilang makakakilala ng tulad ko. Iba pala talaga kasi pagdating mo ay ikaw ang center of attraction kumbaga. At ang mga tao, may kanya-kanyang hilig. Halos lahat na yata ng tao (Pilipino) dito ay mababait, masayahin, makulit, etc. Meron mahilig sumundot, mahilig maglaro ng basketball, mahilig magkulong sa kuwarto, mahilig makipag-debate, mahilig magluto, mahilig sa wala at kung ano-ano pang hilig nila.
Dito ko rin napatunayan na hindi lang pala babae or pa-girl ang mga tsismosa kundi pati lalake. Pero cool pala kapag lalake ang nagtsitsismisan kasi malapit sa katotohanan.
â - Habib -
May mga grupo rin dito na yung sila-sila lang ang magkakasama palagi sa mga bawat lakad. Ganun lang siguro ang mga tao, nagsasama-sama ang magkakaamoy, ang mga magkapareho ng panlasa. Pero kahit ganunpaman, nandun pa rin ang pagkakaibigan na kumokonekta sa bawat grupo. At meron din hindi magkasundo-sundo dahil sa resulta ng mga maling tsismis na minsan ay nauuwi sa mga maling paghusga. Ang resulta, nagkakaroon ng alitan. Makararanas ka ng ibaât ibang klase ng ugali ng mga tao dito, na tulad din sa mundong pinanggalingan ko. Ang kagandahan lang sa mga tao rito ay kahit kalian ay hindi ako nakaramdam na ma-out of place sa kanila (pabor sa akin). Wala akong grupo dito, freelance ako kumbaga. kahit kanino, kahit sino puwede akong sumama, kaya kong pakisamahan. Ang buhay namin dito sa araw-araw ay puno ng halakhakan, laging may lokohan. âLason" kung ito ay kanilang tawagin, natutuwa ako sa bawat tuksuhan nila na lalong nagpapatibay ng kanilang mga samahan, este sa aming samahan pala. Dito ko rin napatunayan na hindi lang pala babae or pa-girl ang mga tsismosa kundi pati lalake. Pero cool pala kapag lalake ang nagtsitsismisan kasi malapit sa katotohanan.
Nabanggit ko nga pala ang girlalu (mas kumportable akong girlalu ang itawag sa mga babaeng walang matres), dito sa amin or sa buong K.S.A, ang daming girlalu⦠as in marami talaga...kahit ganun sila, nirerespeto ko pa rin ang kanilang katauhan.
Nabanggit ko nga pala ang girlalu (mas kumportable akong girlalu ang itawag sa mga babaeng walang matres), dito sa amin or sa buong K.S.A, ang daming girlalu⦠as in marami talaga. Iba-ibang klase rin sila, minsan hindi mo na alam kung alin sa kanila ang pagirl. Baka isa ka na dun o isa dun sa mga kasama mo sa kuwarto, mga babae na nagtatago sa katawan ng lalake. Pero kahit ganun sila, nirerespeto ko pa rin ang kanilang katauhan. Sobrang saya nilang kasama, mauutot ka sa kakatawa, makaka-discover ka ng mga bagong words. Katuad ng eklavu, churva, turalalu, chukchak-cheness...ewan! Sa aking pamumuhay dito kasama ang mga taong ito, masasabi kong, âI found my second home," at ang mga âkaibigan habang panahon." Alam kong darating din ang panahon na magkakahiwa-hiwalay din kami. Pero mananatili sa aking puso ang mga ngiti at mga halakhak na dito lang sa itinuring kong munting tahanan nadama. Batid ko na lilipas ang panahon ngunit ang saya at galak na tumanim sa puso ko ay hindi kukupas. Salamat sa inyong lahat!
Sa aking pamumuhay dito kasama ang mga taong ito, masasabi kong, âI found my second home," at ang mga âkaibigan habang panahon."
â - Habib -
Tuwing ganitong bakasyon namin dito, may field trip kami. Pumupunta kami sa âred" sand na kulay âorange" ang buhangin at sa âhidden valley"⦠na hindi na hidden kasi natagpuan na. Gusto ko sa red sand, maganda ang view, napakalawak ang disyerto na parang yung nakikita natin sa mga movies. Dun ko nararamdaman ang Saudi Arabia. Bukod sa paghawak at pagsinggot ng buhangin, hindi na mawawala diyan ang picture taking. Tayo pa kayang mga Pinoy, ang hilig yata nating magpakuha ng litrato, di ba? Mabuti na lang walang pader dun, kundi baka nasulatan na iyon ng, âI was here on Nov. 14, 2010 â âhabib." O kaya naman âKapitan bola loves Darna."Ang gaganda ng mga view doon, nagpapaganda pa lalo ang mga kababayan natin nagsasaya kasama ang kanilang mga pamilya. Pagkatapos namin magpa-picture sa red sand, at sa mga katutubo, at camel na na mala-Angelina Jolie ang lips, kami naman ay tutungo sa hidden valley na punong-puno ng alikabok ang baga namin. Doon na namin kakainin ang mga dala naming pagkain, at makikikain din ang mga tamad na magdala ng baon na tulad ko. Hindi ko alam paano magsukat ng taas, pero sa palagay ko aabot ng 50 ft more or less ang hidden valley, na isang mabatong bundok. Doon naman ay mag-aala Tom Cruise kami sa pag-akyat. Naalala ko dun yung âMission Imposible" ni Tom Cruise, yung eksena na inaakyat niya. Pagdating sa rurok⦠as usual mapapa-picture naman. Ganun lang kasimple kung iisipin mo. Napakasimpleng gawain lang, napakasimpleng bagay lang, pero para sa amin ay napakalaki na âyon. Ganun ang tanda ko, kung gaano kami kauhaw sa kasiyahan dito. Tuwang-tuwa na kami na makahawak ng alikabok, makakita ng camel, makagulong sa buhangin, makaakyat sa bundok na bato. - GMANews.TV-Habib-Buhay OFW ng isang Mindanaoan (1)Balik KSA: Buhay OFW ng isang Mindanaoan (2)Kamusta mga Kapuso! Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kuwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa mga kababayan namin saan mang dako ng mundo, saludo po kami sa inyo. Mabuhay kayo mga masigasig naming Kapuso sa abroad!