Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

PEP: Sexy actress Juliana Palermo is four months pregnant

November 24, 2010 5:03pm
Kumpirmadong four months pregnant ang dating sexy actress na si Juliana Palermo.

Ayon sa ipinadalang e-mail ni Juliana sa PEP (Philippine Entertainment Portal) via the social network site Facebook, masaya siya sa bagong pangyayari sa kanyang buhay.

"I'm gonna be a mom! I'm 18 weeks [pregnant] now. I've been praying for it the past year and God has finally blessed me with this chance of becoming a mother.

"Taking care of my brother for the past 7 years has been amazing. I thought it was time for an additional angel now that I'm 25.

"There is no greater achievement for a woman than becoming a good mother and that's my next goal. I'm very excited!" saad niya.

Hindi itinanggi ni Juliana ang balitang buntis siya nang una siyang tanungin tungkol dito. Kinumpirma niya ito agad dahil ayaw raw niyang magtago ng kung anu-anong sikreto.

"The only reason I admitted I was pregnant naman is because ayokong isipin ng maraming tao na itinatago ko ito like most actresses do, di ba?

"And also because I heard some negative comments. But I'm pretty happy with the way things are," sabi ni Juliana.

Hindi naman niya binanggit kung sino ang ama ng kanyang baby. Pero kasama niya raw ito sa Hong Kong ngayon, kung saan balak niyang manganak.

Nakilala raw niya ang kanyang boyfriend nang minsang magbakasyon siya sa New Zealand.

Nangako rin siyang magpapadala ng pictures kapag malaki na ang tiyan niya.

Sa huling status sa Facebook ni Juliana, sinabi niyang pakiramdam niya ay baby boy ang ipinagbubuntis niya. Pero aalamin pa raw nila ito sa pamamagitan ng ultrasound pagdating ng fifth month niya.

Matagal nawala sa showbiz si Juliana Palermo—Alvi July Juanico in real life—pagkatapos ng iba't ibang mga intriga sa kanya.

Unang nakilala si Juliana, na isang modelo mula sa Davao City, dahil sa pinagbidahan niyang pelikula titled www.XXX.com (2003) na idinirek ni Tikoy Aguiluz. Gumanap siya rito bilang isang online sex worker.

Dahil sa kanyang performance sa pelikula ay nanalo siya ng award na Breakthrough Performance by an Actress sa 1st Golden Screen Awards noong 2004.

Gumawa pa ng ibang critically acclaimed films si Juliana tulad ng Panaghoy Sa Suba (2004), Kaleldo (2006), at Faces of Love (2007). Nakasama rin siya sa cast ng hit comedy movie nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na Kasal, Kasali, Kasalo (2006) at sa sequel nito na Sakal, Sakali, Saklolo (2007).

Sa TV ay naging regular cast si Juliana ng OK Fine,Whatever, Komiks, at Maging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik sa ABS-CBN. Nagkaroon din siya ng guest role sa Encantadia ng GMA-7.

Na-link romantically si Juliana sa PBA player na si Mark Caguiao ng Ginebra Gin Kings, at maging sa mga aktor na sina Cesar Montano at Mon Confiado.

Nakasagutan pa nga niya in print at TV sina Sunshine Cruz (misis ni Cesar) at Ynez Veneracion (girlfriend noon ni Mon) dahil sa pagkakaugnay ng pangalan niya sa dalawang aktor. - Ruel J. Mendoza, PEP
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus