ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Bahay ng aktres na si Angelica dela Cruz sa Malabon, pinasabugan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Niyanig ng pagsabog ang bahay ng aktres na si Angelika dela Cruz sa Malabon City nitong madaling-araw ng Sabado. Sa ulat ng QTV news’ Balitanghali, sinabing naganap ang pagsabog sa gate ng bahay ng aktres sa Brgy. Longos, dakong 2:00 a.m. Inaalam pa kung anong uri ang ginamit na pampasabog ng mga hindi nakilalang suspek. Sinabi ng isang saksi na dalawang grupo ng kalalakihan ang nakitang nakaistambay sa tapat ng bahay ng mga dela Cruz bago maganap ang pagsabog. Dahil matibay ang pagkakagawa sa gate, hindi ito matinding napinsala at wala ring nasugatan sa insidente.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon sa ama ni Angelika na si Ernie, ito na ang ikalawang “pag-atake" sa kanilang bahay mula nang manalo siyang kapitan ng barangay sa lugar sa katatapos na halalan nitong Oktubre. Minsan na rin umanong hinagisan ng “dumi" ng tao ang kanilang bahay. Idinagdag ni Ernie na nakakatanggap rin siya ng banta sa kanyang buhay sa pamamagitan ng cellphone. May pinaghihinalaan na umano sila kung sino ang nasa likod ng mga pananakot. Pero tumanggi itong pangalanan ang kanilang suspek habang patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon. Itinuturing ni Ernie na seryoso ang banta sa kanyang buhay batay na rin sa uri ng pampasabog na ginamit sa gate ng kanilang bahay. - FRJimenez, GMANews.TV