Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

PEP: Iwa Moto debunks rumored network transfer

January 5, 2011 7:33pm

Tags: Iwa Moto
Nakabuti para kay Iwa Moto ang ilang buwang pahinga matapos mamaalam sa ere nung May 2010 ang afternoon drama series na Ina, Kasusuklaman Ba Kita?, na pinagbidahan ni Jean Garcia at ng anak nito na si Jennica.

Bagamat lumalabas-labas naman si Iwa bilang guest sa ilang GMA-7 programs kagaya ng Diz Iz It, Pilyang Kerubin, at Beauty Queen, ay minabuti talaga niyang hindi muna tumanggap ng regular show para makabawi ng pahinga.

Personal daw na humingi si Iwa sa GMA management ng bakasyon dahil napapansin niya na tila naaapektuhan na ang kanyang kalusugan dulot na rin marahil ng puyat at pagod tuwing may taping.

"Di ba, nagkakasakit na kasi ako lately? Napansin ninyo dati pag nagkakausap tayo, 'Anong sakit mo ngayon?' Ganun 'yong tanong ninyo agad. Now, 'ayan, sobrang healthy ako ngayon kasi inayos ko na.

Nagpa-general check-up ako. So, 'yong mga sakit-sakit ko dati, natanggal ko na.

"Meron pa rin naman siyempre, pero mas alam ko na ngayon kung paano ayusin, kung paano i-handle," kuwento ni Iwa sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa press conference ng Dwarfina na ginanap sa Studio 7 ng GMA Network Studios sa Quezon City, Miyerkules ng gabi, January 4.

"Potassium deficiency" ang itinuturong dahilan kung bakit naging sakitin ni Iwa lately.

Karaniwang senyales ng kakulangan sa potassium ay ang pagkakaroon ng irregular heartbeat, muscle fatigue and weakness, low blood pressure, constipation, at marami pang iba.

JOINING DWARFINA. Nakatulong din ang mahabang bakasyon para muling ganahan si Iwa na magtrabaho at umarte muli sa harap ng kamera.

Sakto naman dahil nung mga panahon na nami-miss na niya ang magtrabaho ay inalok sa kanya ang bagong telefantasya ng Kapuso network, ang Dwarfina.

Itong darating na Lunes, January 10, ang pilot episode ng programa at mapapanood ito sa primetime slot pagkatapos ng Jillian: Namamasko Po.

Kontrabida ulit ang papel na gagampanan ni Iwa. This time, she will portray the role of Lucille—ang ampon na kapatid ni Dwarfina (Heart Evangelista).

Tila napako na si Iwa sa villain roles, puna namin.

"Sino ba naman ang gustong sampal-sampalin? Sabi ko nga, baka pag sinampal-sampal ako ng kontrabida ko, baka magdilim ang paningin ko at masampal ko rin siya!" pabirong pahayag ni Iwa.

"Okay na po akong kontrabida. Masaya na po ako na ako ang nananampal... Tsaka ako, alam ko sa sarili ko kung hanggang saan ang kaya ko, and definitely, as of now, hindi ko pa po kaya na magbida-bida."

Dagdag ni Iwa, "Hindi naman sa ayaw kong kinakawawa ako. Kaya lang, 'yong sa sarili ko mismo, hindi pa ko confident sa sarili ko na kaya ko na.

"Ano lang ngayon, ine-enjoy ko lang, at saka masarap maging kontrabida, kahit saan ka ipasok go lang."

STILL A KAPUSO. Pinabulaanan din ni Iwa ang usap-usapan na nagbabalak na raw siyang lumipat ng network matapos ang halos anim na taong pagtatrabaho sa GMA-7.

Imposible raw na tumawid siya sa ibang bakuran sa kasalukuyan dahil may existing contract pa siya.

"Isang taon pa po 'yong kontrata ko, so definitely makikita ninyo pa rin po ako sa GMA," katwiran ng dating StarStruck runner-up.

Pero inamin din ni Iwa na magiging bukas ang kanyang options sa araw na matapos na ang kanyang kontrata. Natural lang naman daw na suriin ng isang artista ang kanyang mga plano career-wise sa tuwing may mga alok na darating, lalo pa kung hindi na ito nakatali sa isang network o kumpanya.

"Ako naman, open ako sa lahat, e," diretsang pahayag ng 22-year-old actress.

"Di ba, lahat naman tayo nagtatrabaho lang? Alam mo 'yon? Kung saan maganda, e, di dun tayo.

"Tsaka aminin natin mataas ang talent fee. E, feeling ko naman, hindi tayo pababayaan ng GMA.

"If ever man, kung may offer, bakit hindi, di ba? Ano lang naman ako, si abangers lang naman ako.

"Nag-aabang lang akong bigyan ako ng show, go! Bigyan ako ng ganito, go!

"Basta kung ano ang sabihin na alam kong makakabuti sa akin, go lang ako nang go!" - Bong Godinez, PEP
Go to comments

Tags: Iwa Moto



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus