GMA News Online
Ulat Filipino
»
Pinoy Trivia

Unang pagbilang sa populasyon ng Pinas

January 29, 2011 6:42pm
Umabot na sa mahigit 88 milyon ang populasyon ng mga Pilipino batay sa huling census na ginawa noong 2007. Pero alam niyo ba kung kailan unang isinagawa ang pagbilang sa populasyon ng Pilipinas?

Sa ulat ng National Statistics Office, sinabing umaabot na sa 88,566,732 ang bilang ng mga Pinoy sa isinagawang census noong Agosto 2007. Ang naturang bilang ay lumobo ng 12,062,655 Pinoy kumpara sa census na ginawa noong May 2000, kunsaan 76,504,077 ang lumitaw na bilang ng mga Pinoy.

Batay sa nabanggit na bilang, lumilitaw na ang populasyon ng bansa ay umaakyat ng 2.04 porsiyento bawat taon. Pero mas mababa na ito kumpara sa growth rate na 2.36 percent na naitala noong 1995 hanggang 2000.

Nang unang isagawa ang pagbilang sa populasyon ng bansa noong 1903, lumabas na 7,635,426 pa lamang ang bilang ng mga Pilipino.

Sa 2007 census, nasa Luzon ang mahigit kalahati ng mga Pinoy sa bansa (56.2 porsiyento). Sumunod ang Mindanao (24.4 porsiyento), at pinakakaunti sa Visayas (19.4 porsiyento). - FRJimenez, GMANews.TV
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus