Dennis Trillo renews contract with GMA 7
Muling pumirna ng kontrata sa GMA 7 ang Kapuso leading man na si Dennis Trillo. Ayon sa aktor, hindi niya nakikita ang sarili na umaarte para sa ibang network Dahil masaya sa kanyang pagiging Kapuso, hindi na nga raw napansin ni Dennis na walong taon na siya sa GMA 7, ayon sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago. âHindi ko na rin ma-imagine yung sarili ko, na nakikita ko yung sarili ko na umaarte para sa ibang mga channel. Dito na âko lumaki at mahal ko na âtong isang malaking pamilya na âto," pahayag ni Dennis sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Kasama ni Dennis sa pagpirma ng kontra ang kanyang manager na si Popoy Caritativo. Sa panig naman ng GMA 7 ay sina Atty Felipe Gozon, Chairman and CEO, at si Wilma G Galvante, SVP for Entertainment TV.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âSi Dennis e isa âyan sa ating inaalagaanâ¦definitely marami tayong mga plano dâyan," ayon kay Atty Gozon. Sinabi ni Dennis na agad niyang sinabihan ang kanyang nobya at kapwa Kapuso star na si Jennylyn Mercado nang matanggap ang kopya ng kontrata. âNung matanggap ko pa lang yung kontrata, first ko pa lang nabasa, binalita ko na agad sa kanya (Jen)⦠Natuwa din siya, sobrang natutuwa siya para sa akin, sobrang proud siya na maganda yung nangyayari saâken," ayon sa aktor. Ipinaalam din ni Dennis na going strong ang relasyon nila ni Jennylyn. Nang hindi matuloy ang taping niya sa Dwarfina, sinabi ng aktor na nakapag-âlast minute" valentine date sila ng aktres sa isang tagong restaurant. - FRJ, GMA News