ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Azkals’ James Younghusband receives 3 marriage proposals


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa kabila ng matinding pagsasanay, nagkaroon ng pagkakataon na maglibot ang Team Azkals sa Baguio City. Isiniwalat din ng Fil-British football player na si James Younghusband na tatlong marriage proposals na ang kanyang natanggap. Sa Baguio City nagsasanay ang Philippine Azkals upang paghandaan ang malamig na klima sa Mongolia kung saan makakaharap muli nila ang “Blue Wolves" na tinalo nila sa Bacolod City. Nagtungo ang mga manlalaro ng Team Azkals sa city hall ng Baguio City para tanggapin kay Mayor Mauricio Domogan ang “symbolic key" ng lungsod. Ibig sabihin nito ay welcome ang grupo na magtungo sa “Summer Capital" ng Pilipinas. Tulad ng ibang lugar na pinuntahan ng Azkals, pinagkaguluhan ang mga tao ang mga miyembro ng team.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Naging sentro naman ng biruan sa press conference ang magkapatid na Phil at James Younghusband. Biniro si Phil tungkol sa aktres na si Angel Locsin na hiniling niyang maka-date, habang tinanong naman si James kung ilang marriage proposal na ang natanggap niya. “Three, one from a girl and from two gays," ayon kay James. “And one of the guys sent me a ring and I said I can’t accept that." Nakaraang panayam ng showbiz talk show na Startalk TX, sinabi nina Phil at James na mas gusto nila ang Pinay na kanilang makarelasyon kaysa sa British girls. - FRJimenez, GMA News