Chika Minute's Pia Guanio tries pole dancing
Sa tulong ng kanyang kaibigang si Ciara Sotto, sinubukan ng Chika Minute host na si Pia Guanio ang daring at challenging workout na pole dancing. Sa kanyang ulat, sinabi ni Pia na marami ang hindi makapaniwala na ang dating sweet at 'di makabasag pinggan na si Ciara ay nahilig sa pole dancing. Katunayan, nagtuturo na rin ang actress-singer para sa beginnerâs class. Ayon kay Ciara, nais niyang maalis ang maling pagtingin na ang pole dancing ay malaswa o bastos. Hindi rin umano ito paraan para mang-akit, bagkos isa itong fitness regimen para maging fun at challenging ang workout. Sino ang mga Pinay na dapat subukan ang pole dancing?
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âI think every girl should try pole dancing. You donât need a partner to dance, you donât need a man to dance. You can dance on your own, yung pole na ang partner mo. And kasi itâs liberating," paliwanag ni Ciara sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. Napag-alam din na ang sinamahan na rin ng pole dancing ang karakter na gagampanan ni Ciara sa Philippine run ng Broadway musical na âRent." Kasabay ng panayam kay Ciara, hindi na pinalampas ni Pia na subakan ang pole dancing. Ngunit paalala ni Ciara, asahan ang mga pasa sa katawan at kailangan ang pag-iingat dahil may hatid ding peligro ang naturang kakaibang workout. - FRJimenez, GMA News