ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Bela Padilla insecure with Kris Bernal?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ngayong magkasama na uli sa Machete ang dating magka-love team na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal, totoo kayang nai-insecure kay Kris ang leading lady ng fantaserye na si Bela Padilla? Iniulat ni entertainment reporter Aubrey Carampel sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, ang ginawang pagsurpresa ni Bela kay Aljur sa live chat ng iGMA.TV. Dito ay hiningan na rin ng paglilinaw si Bela tungkol sa mga intriga na nai-insecure siya sa pagpasok ni Kris sa Machete. “Sa tingin ko kasi nasa kalove team mo ‘yon kung meron kang dapat ika-insecure," bunga ni Bela. “E Aljur naman pinapa-feel niya na secure kami sa posisyon namin sa show."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Dagdag naman ni Aljur, “Wala namang dapat na ma-insecure dahil dito sa Machete ang original love team naman is kami ni Bela." Katunayan, nagpapasalamat pa nga si Bela si Kris dahil pumayag ito na mag-guest sa soap nila ni Aljur. Una rito, inamin ni Kris na medyo nailang siya nang una siyang mag-taping sa Machete. “Kasi hindi naman po ako close kay Ryza (Cenon) pati kay Bela, so naiilang po ako nung una. Pero nagulat po ako talagang ang bait nila sa’ken," kwento ni Kris. Masaya rin si Aljur sa pag-guest ni Kris sa Machete dahil patunay daw ito na hindi nagbabago ang kanyang ka-love team sa pagsuporta sa kanya. - FRJimenez, GMA News