ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vic Sotto, EB! dabarkads proud of Stefanie Walmsley's Oscar achievement


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Very proud ang mga ‘dabarkads’ ng Eat Bulaga! sa karangalang nakamit sa prestihiyosong Oscar Awards sa Hollywood ng isa nilang dating kasamahan na si Stefanie Walmsley. Isa si Stefanie sa tatlong Filipino-American na producer ng God of Love na nagwagi sa kategoryang Best Short Film in Live Category sa katatapos na Oscar Awards sa US. “Of course we’re proud of her, galing sa Bulaga pinagmamalaki namin siya. Maraming produkto ng Bulaga na marami nang pinatunayan sa ating bayan, hindi lang sa ating bayan kundi sa buong mundo katulad ni Steff," pahayag ni Vic Sotto, host ng EB sa panayam ng Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Tinawag naman ni Allan K na “sunshine girl" si Steff nang panahon na kasama pa niya ito sa pagho-host sa longest noontime show sa bansa. “Ang pagkakakilala ko sa kanya, isa siyang masayahing bata, hindi mo siya makikitang may mood na malungkot. Lagi siyang masaya, pagpasok pa lang," kuwento ni Allan K. Sinabi naman ni Ruby Rodriguez na ang nakamit na karangalan ni Steff sa Oscar ay patunay na magandang training place ang Eat Bulaga. “Nakasama mo sa Eat Bulaga! ngayon may hawak ng Oscar (trophy)," ayon kay Ruby. Ang executive ng Eat Bulaga! na si Malou Choa Fagar, umaasa na muling makakabisita sa bansa ang dati nilang host. “Nakakalaki ng puso that when people will always says, ‘O galing Bulaga ‘yan…Sana you can come and visit us again." - FRJimenez, GMA News