ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Dagdag na pondo iginiit ng senador para sa agri-agra sector
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Nanawagan ang isang senador kay Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III, na dagdagan ng P17 bilyon ang alokasyon sa sektor ng agrikultura at repormang agraryo para matiyak ang seguridad ng pagkain ng mga Pilipino. Ang panawagan ay ginawa ni Sen Edgardo Angara matapos matuklasan na umaabot sa mahigit 800,000 hektarya ng irrigation canals ang hindi nakukumpuni sa buong bansa na mahalaga para pagtatanim ng mga magsasaka. Ayon kay Angara, nagbabanta ang krisis sa pagkain sa harap ng lumolobong presyo ng mga produktong petrolyo, kaya nararapat na bigyang prayoridad ng administrasyon ang pondong gagamitin sa sakahan tulad ng post harvest facilities at irigasyon. âKailangan natin ang dagdag na pondo upang maisakatuparan ang plano sa modernisasyon ng agrikultura na nangangailangan ng P17 bilyon karagdagang pondo sa normal na badyet ng ahensiya sa Department of Agriculture at Department of Agrarian Reform" pahayag ni Angara. âNakalulungkot na sa halip makakuha ng karagdagang pondo, hindi nakatutugon ang budyet ng DA at DAR sa lumolobong inflation rate at kaya bumabagsak ang produksyon sa nakalipas na panahon," dagdag niya. Sinabi ni Angara na dapat pagtuunan ng administrasyong Aquino ang dalawang pangunahing sangay sa pagpapaunlad ng industriya ng agrikultura. Una rito ang pagtatayo ng post-harvest facilities tulad ng flat-bed dryer para sa butil, core chain, at cooker vans para sa pangisdaan sa kanayunan. Mahalaga umano ito para mabawasan ang pagkalugi sa transportasyon ng mga magsasaka at mangingisda. "What we need are adequate storage facilities and transport equipment to cut the wastage, maximizing each harvest would mean a lessened need for imported grains and produce," payo niya. Idinagdag ni Angara, dating kalihim ng agrikultura, na kailangan ding paunalarin ang milyong-milyong ektaryang sakahan na hindi nagagamit sa maraming taon sa pamamagitan ng pagsasaayos ng makalumang sistema ng irigasyon. "We must also rehabilitate some 800,000 hectares of irrigation canals which have long been out of repair, to gain use of huge tracts of rice- and corn-fields scattered throughout the country," ayon kay Angara. Kung mapagtutuunan ng administrasyon ang naturang dalawang prayoridad, sinabi ni Angara na malaking bagay ito sa pagpapalago ng produksiyon sa sektor ng agrikultura at pangisdaan. âKailangan ang naturang panukala upang dahan-dahang makamit natin ang kasapatang-pansarili na siyang mahalaga sa pagsugpo ng kahirapan at kagutuman," ayon sa senador. - GMA News
More Videos
Most Popular