Legarda: Nakumpiskang mga wangwang gamitin bilang early warning device
MANILA â Iminungkahi ni Senador Loren Legarda nitong Huwebes na gamitin ang mga nakumpiskang wangwangs (sirena at blinker) ng Philippine National Police bilang early warning device para mabigyan ng babala ang mga tao sa paparating na kalamidad. Sinabi ni Legarda na sinulatan na niya si PNP chief Dir. Gen. Raul Bacalzo upang hilingin dito na ipagkaloob ang mga nakumpiskang sirena, blinker, busina, at iba pang katulad na gadget sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Ang NDRRMC naman ang bahalang mamahagi ng mga naturang kagamitin sa mga lugar na kailangang lagyan ng mga early warning device upang mabigyan ng babala ang publiko kapag may posibilidad na maganap na kalamidad. âMay I recommend that all sirens, bells , horns, whistles and similar gadgets that emit exceptionally loud or starting sounds, including dome lights and other similar signaling or flashing devices attached to motor vehicles and used on highways, confiscated be donated to the NDRRMC," bahagi ng sulat ni Legarda kay Bacalzo. Ayon kay Legarda, hindi na kailangan ang hi-tech na kagamitan upang magbigay babala sa mamamayan hinggil sa napipintong kalamidad o sakuna partikular sa mga lugar na palaging nawawalan ng suplay ng kuryente. âAn effective warning and communication device is that which we can use and access anytime. With the advent of technology, we can use our mobile phones or the internet to communicate, but these gadgets are useless without electricity or with damaged cell sites," paliwanag niya. Dagdag pa ng mambabatas: âIn Bangladesh, people use red flags and local notices given by roving volunteers to warn citizens of an impending disaster." Matatandaan na isa sa mga unang naging kampanya ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III nang manalo sa nakaraang May 2010 elections, ay ipakumpiska ang mga wangwang sa mga pribadong sasakyan. Maaari rin umanong lumikha ng senyas ang mga opisyal ng barangay sa pamamagitan ng pagpito na magagamit ng mamamayan sa paghahanda sa anumang kalamidad. âDisaster preparedness, which includes the establishment of an early warning system, is essential to minimize loss of lives and property damages when hazards strike. Such system would be effective and efficient only if it is embedded in our communitiesâmeaning, in each of the 42,000 barangays in our country," ayon kay Legarda. Kailangan umanong gawin na ngayon ang mga paghahanda sa kalamidad. Kamakailan lang ay hinagupit ng malakas na lindol at sinundan ng tsunami ang Japan na kumitil ng napakaraming buhay. - GMA News