ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lasing na lolo nahulog sa bangin sa bahaging Kennon Road, Baguio City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tila nakikipagpatintero sa mga sasakyan ang mga residente sa kahabaan ng Kennon Road… Ang naturang zigzag road, halos walang sidewalk at shoulder, sa alanganing gilid na ng kalsada naglalakad ang mga residente. Bagay na mapanganib pagkat posible silang mahulog sa bangin. Ang nakapanayam naming isang residente rito na si James Carantes natatakot na rin umano dahil marami na ang nahuhulog dito dulot ng kalasingan. Sa bahaging Camp 7, nahulog sa bangin ang isang lolo na nakilalang si Philip Cogoy Jr., singkwenta'y siyete anyos.... Agad namang rumesponde ang 911 on call, EMS, at PNP sa lugar para maiakyat ang katawan ng biktima mula sa bangin na may lalim na tatlumpu hanggang limampung talampakan. Ayon sa mga otoridad naglalakad umano ang biktima nang bigla itong nahulog dulot ng kanyang kalasingan... Kinumpirma naman ng doktor na lasing ang biktima na nagtamo umano ng pinsala sa ulo. Batid ng mga residente rito na hindi sila dapat maglakad sa mga bahaging iyon ng kalsada. Pero marami parin umanong nahuhulog sa naturang bangin lalo na ang mga lasing. Isang sidewalk lang ang nakalaan sa lugar para daanan ng mga residente upang ligtas sa mga motorista at sa pagkahulog sa bangin. May mga steel railings naman ngunit kadalasan lang nakatayo sa mga malapit na pampublikong paaralan ng elementarya... Nag-iwan naman ng payo ang mga residente sa mga dumaraan dito ng ibayong pag-iingat. Anila mas magandang huwag nang ipilit pang daanan ang mga delikadong bahagi nang maiwasan ang pagkahulog sa bangin.--Glamorfe Calicdan