Fatima accepts fate AJ’s cornea not for her
Hindi akma sa pangangailangan ng mga mata ni Fatima Soriano ang cornea ng nasawing young actor na si AJ Perez. Pero sa halip na malungkot, maluwag sa puso na tinanggap ni Fatima ang katotohanan na mananatili pa rin siyang walang paningin. Iniulat ni GMA News reporter Kara David sa 24 Oras nitong Martes, na bulag nang isinilang si Fatima. Subalit hindi man siya nabiyayaan ng paningin, pinagkalooban naman siya ng mala-anghel na tinig. Sa mga healing mass, ang tinig umano ni Fatima ang nagpapagaang sa paghihirap na dinadala ng mga may karamdaman. Ayon sa ina ni Fatima na si Gng Fely, labis niyang ikinalungkot nang malaman ang kondisyon ng anak ng isinilang niya. âIyak ako nang iyak, sabi ko bakit siya, kawawa naman ang anak ko paglaki niya. Pero nang makita ko na tanggap niya lahat ng mga nangyayari sa kanya, inoffer ko na rin lang kay Lord," pahayag ni Gng Fely.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nang pumanaw ang aktor na si AJ Perez dahil sa aksidente, naisipan ng pamilya nito na idonate ang cornea ng aktor kay Fatima. Ikinatuwa naman ito ng pmilya ni Fatima dahil sa pag-asang makakakita na ang dalagita. Pero nang suriin ng mga duktor ang mata ni Fatima, natuklasang hindi akma ang cornea ni AJ sa pangangailangan ng mga mata ng batang mang-aawit. âSa case ni Fatima, ang problema sa kanya âyong retina, hindi cornea. Ang retina niya is not fully developed," ayon kay Gng Fely. Ngunit sa halip na malungkot, maluwag na tinanggap ni Fatima ang kanyang kapalaran na hindi para sa kanya ang mga cornea ni AJ. âOkey lang naman po. Kasi alam ko baka may iba pang tao na mas nangangailangan nito. May feeling ako sa heart ko na talagang mas clear ang vision kapag ganitong hindi po ako nananakita. There are things that are invisible to the eye pero nakikita ng heart natin," nakangiting pahayag ni Fatima. - FRJImenez, GMA News