GMA News Online
Ulat Filipino
»
Pinoy Trivia

Mga walang trabaho sa Pilipinas

April 30, 2011 8:19pm
Sa paggunita ng Labor Day sa Mayo 1, inaasahan na mananawagan ng dagdag na sahod ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa. Pero alam niyo ba na mas marami ang lalaki kaysa babae ang walang trabaho ngayon sa Pilipinas.

Sa listahan na ipinalabas ng National Statistics Office’s (NSO) nitong Enero 2011, lumitaw na umaabot sa 92.6 percent ang employment rate o may trabaho sa bansa; habang nasa 7.4 percent naman ang unemployed o walang trabaho.

Sa listahan ng mga walang trabaho, mas marami ang unemployed males (62.7 percent) , kaysa mga babae (37.3 percent). Halos kalahati o 48.9 percent ng mga walang trabaho ay nasa age group na 15-24 years.

Pinakamaraming bilang ng mga walang trabaho ay nasa National Capital Region (12 percent). Sumunod ang Ilocos Region (10 percent), at hindi naman nalalayo ang CALABARZON (9.5 percent). - FRJ, GMA News
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus