ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Batas para palaganapin ang electric-hybrid vehicles, isinulong sa Senado
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng krudo sa mundo, isinusulong ngayon sa Senado ang isang panukalang batas na nagbibigay ng mga tax break at iba pang prebilehiyo upang mapalaganap ang produksiyon at paggamit ng electric-hybrid vehicles â o mga sasakyan na hindi ginagamitan ng produktong petrolyo. Ayon kay Sen Ralph Recto, chairman ng Senate committee on ways and means, malapit nang talakayin sa plenaryo ang mga pinagsama-samang panukalang batas na magkakaloob ng tax incentives sa mga mag-aangkat, gagawa, o magko-convert ng mga electric at hybrid vehicles. "Other countries like Israel and China are already declaring freedom from petroleum dependence in the next three or four decades, we want to start the ball rolling by paving the way for a legislation that would fast track our shift to E-vehicles," ayon sa senador. "With soaring oil prices and with a downstream oil industry that can't be trusted with its price hike computations, there's really no recourse but to go electric to save oil money and save the environment," idinagdag ni Recto, vice chair din ng Senate committee on finance. Kamakailan lang ay muling nagtaas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa na umaabot hanggang P1.50 per liter sa regular gasoline. Ipinaliwanag ni Recto, na ang mga electric vehicle ay mga sasakyan na pinapatakbo ng electric motor; ang hybrid vehicle (HV) naman ay pinagsanib na teknolohiya na gumagamit ng internal combustion engine na ginagamitan ng baterya ang motor. Samantala, ang Other Alternative Fuel Vehicle (AFV) ay mga sasakyan na gumagamit ng alternatibong pinagkukunan ng enerhiya pero hindi limitado mula sa solar, wind, hydrogen fuel cell, compressed natural gas (CNG) at liquefied natural gas (LNG) at iba pang kumbensiyonal na pinagkukunan ng enerhiya katulad ng petrolyo at gasoline para sa mapaandar. Bukod sa tax break, magkakaroon din ng special lane ang mga gagamit ng electric at hybrid vehicles sa pagpaparehistro Land Transportation Office (LTO), at malilibre din sa parking sa mga establisimyento. Maliban kay Recto, ang iba pang senador na naghain ng panukala na sumusuporta sa paggamit ng electric at hybrid vehicles ay sina Sens Juan Miguel Zubiri, Miriam Defensor-Santiago, at Antanio Trillanes IV. - GMA News
More Videos
Most Popular