Actor-turned politician, bday wish ay makapag-asawa na
Tulad ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III, marami rin ang nagtatanong sa actor-turned politician na si Bulacan vice governor Daniel Fernando kung kailan siya mag-aasawa.
Sa darating na May 12, ipagdiriwang ni Daniel (Cesar Ramirez sa tunay na buhay), ang kanyang ika-49 taong kaarawan. At ang birthday wish ng bise gobernador –- makahanap ng babaeng ihaharap niya sa dambana.
“Sana, magka-asawa na ako," pahayag ni Daniel nang tanungin tungkol sa kanyang birthday wish. Sumikat si Daniel sa bold film na Scorpio Nights 1 noong dekada 80’s, katambal sina Anna Marie Gutierrez, Orestes Ojeda, at Amanda Amores.
Sinabi ng bise gobernador na matagal na niyang nais mag-asawa pero wala raw magkamaling babae.
Ano naman kaya ang katangian ng babae na hanap niya sa kanyang mapapangasawa?
“Kailangan ko yung makakatulong sa pagharap sa mga tao at mga responsibilidad ko as vice governor," seryosong tugon ni Daniel.
Kasabay ng selebrasyon ng kanyang kaarawan, hiniling ni Daniel sa mga kaibigan na mag-donate ng dugo sa Miyerkules, sa Bulacan Capitol Gymnasium simula 8: 00 am.
“I wish to extend life of others through this project," paliwanag Daniel. Ang makokolektang dugo ay ilalagak sa Bulacan Blood Bank.
Inaasahan ng bise gobernador na aabot sa 200 katao ang magbibigay ng kanilang dugo na makatutulong umano sa kanilang mga kababayan.
Plano na rin ni Danie na gawing regular na naturang blood letting project. - GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement