Gusali na sentro ng pagtuturo ng kabuhayan, itatayo sa Las Piñas
MANILA – Inihayag ni Sen Manny Villar nitong Sabado ang pagtatayo ng isang gusali sa Las Piñas na magiging lugar umano ng mga masisipag na Pilipino na nais makaahon sa kahirapan.
Pinangunahan ni Villar at maybahay nitong si dating Las Piñas Rep Cynthia Villar, ang groundbreaking ceremony para sa itatayong gusali na tatawaging Social Institute for Poverty Alleviation and Governance o SIPAG Center.
Ang SIPAG Center, na pamamahalaan ng Villar Foundation, ay magsisilbing resource at livelihood training center sa mga Pilipino na nais matuto ng pagnenegosyo o iba pang uri ng pagkakakitaan.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Sen Villar na hindi hadlang ang kabiguan niyang manalo noong May 2010 presidential para maipagpatuloy niya ang hangaring makatulong sa mga mahihirap.
Ayon kay Villar, magsasagawa ang SIPAG Center ng regular na seminar at training para magturo ng iba’t ibang uri ng mga pagkakakitaan.
Bukod sa pagkaloob ng kaalaman sa pagnenegosyo at mga pagkakakitaan, ang SIPAG Center ay magkakaroon ng reception hall, theater, exhibit hall, at memorabilia hall para sa mga taong pupunta sa lugar.
Sa naturang pagtitipon, pinasalamatan ni Sen Villar ang mga kasamahan sa Nacionalista Party (NP), na patuloy umanong sumusuporta sa kanya kahit nabigo ang kanilang partido na makuha ang Malacanang.
Ilan sa mga dumalo sa naturang pagtitipon ay sina Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian, Ilocos Norte na si Imee Marcos, Cavite Gov Jonvic Remulla, Cavite Rep. Crispin Remulla, dating party-list Rep Liza Maza, Toots Ople, dating San Juan Rep Ronaldo Zamora, at pati ang Philippine Azkal football player James Younghusband.
Wala man sa naturang okasyon, pinasalamatan din ni Villar sina Pinoy boxing icon at Sarangani Rep Manny Pacquiao, at controversial TV host Willie Revillame, dahil sa patuloy na pagsuporta sa kanyang mga adbokasiya.
Umaasa naman ni Gng Villar, na ang naturang proyekto ay magbibigay ng lakas ng loob sa mga Pilipino na nawawalan ng pag-asa dahil sa kinakaharap na problema sa kahirapan.
“Gagabayan naming sila, sasanayin, tuturuan at palalakasin ang mga kababaihan, kabataan, walang mga trabaho at maging ang mga umuuwing OFWs at mga kamag-anakan nila," ayon sa dating kongresista.
Noong nakaraang buwan ay tumanggap ng pagkilala mula sa United Nation ang mag-asawang Villar kaugnay ng programa ng Villar Foundation na Las Piñas-Zapote river system rehabilitation program.
Bukod sa SIPAG Center, nagsagawa rin ng groundbreaking para naman sa itatayong 700-seater Santuario De San Ezekiel Moreno Church sa Las Piñas.
Ang naturang simbahan ay magsisilbing pag-alaala kay San Ezekiel Moreno, isang Spanish Augustinian priest na nagsilbing parish priest sa Las Piñas mula 1876 hanggang 1879.
Ang Santuario De San Ezekiel Moreno church ay isa lamang sa mga simbahan na nais ipatayo ng mag-asawang Villar sa iba’t ibang lugar sa bansa. - GMA News

advertisement
advertisement
advertisement