We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Confident ang Kapuso tween star na si Lexi Fernandez na ito na ang tamang oras para sa kanya na magningning sa showbiz.
Showbiz may run in her blood, but Lexi is making her own name in the showbiz industry. Isa siya sa mga tinitingalang tweens ngayon na nagsimula sa hit tween-oriented show na Reel Love presents Tween Hearts, and she recently concluded her very successful run as a kontrabida in Nita Negrita. Ngunit ngayon ay maidadagdag na niya ang pagiging bida sa pelikula sa kanyang listahan ng mga projects, dahil ngayong August ay kasama siya sa mga magbibida sa movie na Tween Academy: Class of 2012. Ano kaya ang pakiramdam ni Lexi na magkakaroon na sila ng mga Tween stars ng kanilang sariling movie? âMasaya po. Sobrang masaya kasi ayun nga, parang napansin kami ng [GMA] Network, tapos binigyan kami ng malaking project na magkakasama pa rin kaming lahat," says Lexi. Inasahan ba ni Lexi na aabutin ng kanilang show na Tween Hearts ang ganitong success at mabibigyan sila ng movie dahil dito? âHindi po, hindi. Pero ayun, nakakagulat pero masaya," sagot niya. Ano naman kaya ang magiging role niya dito sa Tween Academy: Class of 2012? âAyun pa rin, kikay siya, pero ngayon parang may ka-love triangle ulit. Masaya. Magandang story din siya, so abangan ninyo," kuwento niya. Samantala, ano ang kanyang masasabi sa mga papuri na nakukuha niya sa kanyang katatapos lamang na pagganap bilang lead kontrabida? âMasaya ulit siyempre kasi natatamaan sila sa performance ko so ayun, para sa kanila ginagalingan ko." Sa isang event ay nabanggit ng kanyang ina, ang kilalang kontrabida at respetadong aktres na si Maritoni Fernandez, na kung dati ay kilala si Lexi bilang âMaritoniâs daughterâ, ngayon ay si Maritoni na ang tinatawag na âLexiâs momâ. Ano kaya ang reaksiyon ni Lexi tungkol dito? âAno bang reaction ko dun?" gulat na sagot ni Lexi. âMasaya na⦠Siguro time ko na rin to step out of my momâs shadow, so I think naman I earned it kasi pinaghirapan ko talaga ito. So mas lalo ko pang gagalingan para mas magustuhan nila ako, [at] mas magustuhan nila ang pag-arte ko." Abangan si Lexi and the rest of your favorite Tween stars sa Tween Academy: Class of 2012 ngayong August in theatres near you. And watch her sa Party Pilipinas every Sunday dito lamang sa GMA. -- Karen de Castro, iGMA.tv