GMA News Online
Public Affairs
»
I-Witness

I-Witness

“Lakbay sa Ilalim ng Lupa" (Documentary by Kara David)

June 16, 2011 8:16pm
Episode on June 20, 2011
Monday after Saksi!


Tourists once flocked to the crystal caves of Baguio. But that was before. Now, it seems that the famous area has been wiped out of the list of must-see spots because of the mysterious phenomena that has been baffling the residents of Bakakeng Central.

Wide cracks on the floors all the way up to the ceiling appeared in many houses. The concrete roads and even the soil surrounding the houses started to sink.

The caves are natural drainage for mountainous areas. But in Baguio City's case, the crystal caves are now being used as the city's common drainage. In the event of heavy rainfall, too much water will run inside the channels. The multiple growths of sinkholes were allegedly caused by trapped water between the caves and the top soil. The problem is aggravated because of the houses built on top.

Kara David investigates what really causes these massive sinkholes in Barangay Bakakeng Central. In the process, she meets people who are trying to save what is left of the caves.

It is now race to save both the community and the caves. But as Kara David traverses the underground channels, she is faced with the stark truth – saving the community might mean killing the caves while saving the caves means relocating hundreds to safer ground.

“Lakbay sa Ilalim ng Lupa" airs this Monday on I-Witness.




Kung dati-rati'y dinarayo, ngayon ay kinatatakutan na ang lugar sa paligid ng pamosong crystal cave sa lungsod ng Baguio. Malalaking bitak sa sahig, dingding hanggang kisame... pagguho ng lupa sa paligid ng mga bahay... ito ang nakaaalarmang situwasyon na kasalukuyang nararanasan ng mga residente ng Bakakeng Central.

Ayon sa MGB-Baguio, dulot daw ito ng pagdami ng sinkholes sa barangay. At dahil dikit-dikit na ang mga bahay, mismong sa lupang tinatayuan ng istruktura ito lumilitaw.

Maraming haka-haka ang nabuo dahil sa pagdami ng sinkholes. Dito umano pinadaraan ang mga tubig-ulan at basura ng lungsod na siya namang nagdudulot ng pagkasira ng lupa at mismong kuweba sa barangay.

Tinahak ni Kara David ang kahabaan ng kuweba sa ilalim mismo ng mga bahay. Nakita niya ang masaklap na katotohanan na ang pagkasira ng kuweba at mga bahay ay mismong tao ang lumikha.

Maglakbay sa ilalim ng lupa, ngayong Lunes sa I-Witness.



I-Witness on Facebook
I-Witness on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement