ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
'Pinas hindi raw nagtatapang-tapangan sa isyu ng Spratlys
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Nilinaw ng isang opisyal ng Department of National Defense (DND) na hindi nagtatapang-tapangan ang bansa matapos ipadala ang pinakamalaki at pinakamantandang barkong militar ng Pilipinas sa Spratlys. Sa ulat ng GMA News 11 SONA nitong Biyernes ng gabi, sinabi ni Defense Undersecretary Eduardo Batac, na ipinadala ng Philippine Navy ang BRP Rajah Humabon sa pinagtatalunang Spratly group of islands para magpatrolya. âHindi nga tayo nagtatapang-tapangan ⦠ang Humabon lang naman is an old frigate commissioned in 1942, and its an aging ship," napapangiting pahayag ni Batac. Ang pagpapadala ng BRP Rajah Humabon sa Spratly ay ginawa ilang araw matapos ipadala ng China ang mas moderno nitong Haixun 31 marine survey vessel sa pinagtatalunang mga isla na sinasabing mayaman sa natural resources gaya ng langis.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Inihayag din ng Malacanang na hindi umano dapat ikabahala ang pagpapadala ng China ng Haixun 31 dahil isa lamang itong civilian vessel. Tulad ng Pilipinas, sinabi ni Batac na karapatan din ng China na bantayan ang kanilang nasasakupang coastal areas kaya hindi ito dapat pagmulan ang panibagong diplomatic protest. Sinabi naman ni retired Commodore Rex Robles na walang mapapala ang China na makipagdigma dahil lamang sa Spratly na napakalayo umano sa nasabing bansa. Naniniwala naman ang political analyst na si Bobby Tuazon na ang Amerika at mga military supplier nito ang higit na makikinabang sa usapin ng Spratlys. "Ang makikinabang lang dito ay mga military arms suppliers⦠siyempre yung Visiting Forces Agreement pwede nilang gamitin 'tong Spratly para paigtingin at magkaroon ng increase sa military at naval exercises," paliwanag niya. -- GMA News

More Videos
Most Popular