GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Janna Dominguez talks about lovelife and Iwa Moto’s ex-bf Mickey Ablan

June 23, 2011 11:27pm

Tags: Iwa Moto
Sa kabila ng pagkakaugnay sa ex-boyfriend ni Iwa Moto na si Mickey Ablan, sinabi ni Janna Dominguez na single at very happy siya ngayon.

Sa In the Limelight ng GMA News TV 11 nitong Huwebes, inamin ng May Tamang Balita cast member na si Janna na naging sila noon ng commercial model-actor na Sef Cadayona.

“Ayokong ideny na naging kami… ngayon ko lang kasi inamin eh. Kahit sa work niya hindi niya sinasabi, siyempre for the sake of both careers namin. So ngayon at least okey na kami yun naman ang importante okey na kami. Kung ano ang nangyari tapos na, pag-usapan na, sarado na. ‘Yon back to zero, friends na uli kami," paliwanag ng sexy Kapuso talent.




Kung sarado na ang kabanata ni Sef sa buhay niya, tila nagsisimula naman si Mickey. Bagaman magkaibigan lang daw sila ngayon ng ex-boyfriend ni Iwa, inamin ni Janna na pumasyal na ito sa kanilang bahay.

“Kay Mickey kasi friends lang talaga kami for now… ewan ko ha kasi pumunta siya sa bahay. Maayos siyang humarap sa tatay ko, tao siyang umakyat sa bahay, so taong pinakiharapan ng tatay ko. So ‘yon mas magandang ganun muna kesa pumasok tayo sa isang bagay na alam nating mapapaso tayo," dagdag niya.

Iginiit din ni Janna na hindi siya ang dahilan kaya nagkaroon ng matinding pag-aaway noon sina Iwa at Mickey. (Basahin: Iwa Moto, nasugatan matapos magwala dahil sa galit sa ex-boyfriend)

Ayon kay Janna, naging malapit lang siya kay Mickey pagkatapos na nang nangyaring iskandalo sa dating magkasintahan na naganap malapit sa GMA 7 building.

“Kung ano man yung away nila labas ako dun. Kasi before mangyari ‘yon sa kanila tsaka lang kami naging okey, naging close," patungkol ni Janna kay Mickey.

Idinagdag ni Janna na nananatili rin silang magkaibigan ni Iwa.

Nang tanungin kung posibleng maging sila ba ni Mickey, natatawang tugon ni Janna, “Let’s cross the bridge when we get there." - FRJimenez, GMA News
Go to comments

Tags: Iwa Moto



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus