GMA News Online
Public Affairs
»
Pinoy MD

Pinoy MD

"Stretchmarks and Monthly Period & Food Addiction" and "Basketball with Cesar Montano & Okra Recipes!"

July 6, 2011 8:25pm
Episodes on July 9 & 10, 2011
Saturday 6 AM
Sunday 7 AM


On Saturday...

Some women complain of experiencing skin irritation and itchiness during their monthly period. And for most, the best way to relieve the itch is to scratch! The result? Stretchmarks on the legs, hips and back. Or so that’s what they thought. Let our expert bust this medical myth about stretchmarks and menstruation on our segment, "Doc, Totoo Ba?"

When talking about addiction, bad vices come to mind like gambling, drinking and taking illegal-drugs. But there are other types of addiction like food addiction! Know the tell-tale signs that you are probably addicted to food.

On "Healthy si Idol", sexy star Ellen Adarna would show off not only her cover-girl figure, but her cooking skills as well! Get some tips from her on how to achieve a great body with the right diet!

On Sunday...

Cesar Montano is a multi-awarded actor and film director. He has clearly made his mark both on TV and movies. This time, ’Buboy’ will show his moves on the hard-court! Let’s see how Cesar and his number 1 fan, Simon with his friends slug it out on a basketball game!

Who doesn’t love to eat Okra? It’s understandable if many of us would refuse to eat this vegetable. But Okra definitely brings a lot of benefits. Learn how to love Okra on our "Bahay Kubo" segment.

We got another health-conscious idol who will grace the show. He was a well-love child star and teen idol – Chuckie Dreyfuss. After his showbiz career, he pursued his studies but somehow ignored his health. Chuckie’s weight reached 185 pounds! But with the right diet and exercise, he was able to shed 40 pounds. Know his celebrity diet success story!

With broadcaster Connie Sison; Doc Oyie Balburias, internist; dermatologist Dra. Jean Marquez; cancer surgeon, Doc Dave Ampil II and OB-Gynecologist, Dr. Raul “Dr. Q" Quillamor - you are sure to have a healthy weekend morning with the experts on wellness and lifestyle!
Catch Pinoy MD, every Saturday 6 a.m. to 7 a.m. and Sundy, 7 a.m. to 8 a.m. on GMA!




Ngayong Sabado...

Ang iba raw babae, nakararanas ng pangangati ng balat kapag may regla. At dahil di raw nila mapigilan ang pagkamot sa kanilang mga hita, balakang at likod... madalas ang resulta- stretchmarks? Paniwala nila nakukuha ang mga permanenteng mala-ugat na pula at puting markang ito dahil sa pagkakamot ng balat kapag may buwanang dalaw. Alamin ang sagot sa medical myth na ito sa Doc, Totoo Ba?

Kapag pinag-usapan ang adiksyon, madalas na bisyo ang naiisip ng marami. Pero hindi lang alak, droga at sugal ang puwedeng kahumalingan... may tinatawag na ring food addiction. Ngayong Sabado, ihahain namin sa inyo ang mga senyales ng kondisyong ito.

Sa Healthy si Idol naman, sexy star Ellen Adarna, ipakikita ang kanyang cooking skills. Kasama sa kanyang tips, mga paraan sa pagluluto para maging magazine-cover ready ang inyong katawan.

At sa Linggo,

Premyadong aktor at director. Mapa-epiko, aksyon, drama o comedy, naitatak na ang talento ni Cesar Montano. Naipakita na niya ang kanyang husay sa pelikula at telebisyon... ngayon naman, ipakikita ni Buboy ang kanyang galing sa basketball court! Samahan ang kanyang number 1 fan na si Simon at kanyang mga kaibigan sa pakikipaglaro nila sa aktor at mga ka-grupo nitong ball player.

Marami ang umaayaw rito. Isinasantabi o kaya itiniira kapag kakain. Pero di man kaaya-aya para sa iba ang okra... mayaman pa rin ito sa benepisyo para sa ating katawan. Sa aming Bahay Kubo segment, mas matutunan niyong mahalin at namnamin ang okra.

Isa pang health-conscious idol ang feature namin ngayon Linggo. Matagal siyang napamahal sa marami bilang child at teen star. Talaga namang sikat na sikat noon si Chuckie Dreyfuss. Nang magpahinga sa pag-arte, nagpatuloy siya sa pag-aaral pero dahil daw di na siya naging aktibo, napabayaan daw niya ang kanyang katawan. Lumobo sa 185 pounds ang bigat ni Chuckie noon, pero dahil sa pagdidiyeta at page-ehersisyo, halos 40 pounds ang kanyang iginaan. Alamin ang tips mula sa celebrity diet success story na ito this Sunday.

Basta usapang pangkalusugan, kasama man ang mga eksperto sina Connie Sison, broadcaster; Doc Oyie Balburias, internist; dermatologist Dra. Jean Marquez, cancer surgeon Doc Dave Ampil II at OB-Gynecologist Dr. Raul "Dr. Q" Quillamor isang malusog na weekend morning ang sasalubong sa inyo. Panoorin ang Pinoy MD, Saturday 6 a.m. to 7 a.m. at tuwing Sunday, alas siyete hanggang alas otso ng umaga sa GMA!



Pinoy MD on Facebook
Pinoy MD on Twitter
advertisement
advertisement
advertisement