ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mga labi ng OFW na pinaslang sa Palau, naiuwi na sa ‘Pinas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Dumating na sa bansa nitong Biyernes bago maghating-gabi ang mga labi ng overseas Pilipino worker na pinaslang ng isang minor-de-edad sa Palau noong nakaraang linggo. Nagtamo ng mga taga sa katawan si Virginia Ventura na dahilan ng kanyang kamatayan. Sinasabing hinoldap muna ng 17-anyos na suspek ang biktima bago pinaslang.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Sabado, sinabing sinalubong ng anak at mga kamag-anak ang mga labi ni Ventura nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport. Napag-alaman na 15-taon ng nagtatrabaho sa Palau at plano sana nitong umuwi ng Pilipinas ngayong taon pero hindi pa ito nakakaipon ng pambili ng plane ticket. – GMA News