We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
"OFW.... Ang mga bagong bayani ng makabagong panahon!" Ito ang lupon ng mga salita na umuukit sa aking kaisipan na tila hindi na napapansin ng nakararaming kababayan natin sa ibayong-dagat. Minsan, naitatanong ko sa aking sarili," maituturing ko bang bayani si kabayang nalululong sa mga masasamang bisyo? Si Kabayang nagdudulot ng krimen at imoralidad sa ibang bansa dala ng kapusukan ng kanyang hayok na kalamnan?"
May bayani bang nakikiapid sa asawa ng may asawa? At higit sa lahat, bayani ba si kabayang kumikitil ng buhay ng sanggol sa kanyang sinapupunan na walang kalaban laban, sanggol na nagmula sa sarili niyang dugo at laman?
â Gilson
May bayani bang nakikiapid sa asawa ng may asawa? At higit sa lahat, bayani ba si kabayang kumikitil ng buhay ng sanggol sa kanyang sinapupunan na walang kalaban laban, sanggol na nagmula sa sarili niyang dugo at laman? Bayaning karumal-dumal⦠Mahaba ang pila sa langit. Ilan lang siya sa milyon-milyong munting anghel na naghihintay na mabigyan ng pagkakataon ng ating Panginoon nang sandaling mabuhay sa mundo. Hindi na mabilang ang araw na kanyang napalipas sa paghihintay upang masilayan kahit ilang saglit ang ganda ng lupa. At higit sa lahat, sabik siyang maramdaman ang init ng yakap ng kanyang magiging magulang na magbibigay sa kanya ng buhay. Sabik siyang makakita ng kapatid at sabik na siya'y kanilang bunsuin. Namumutawi pa sa kanyang muni nang makausap niya ang Diyos. Dumating na ang kanyang pinakaaasam-asam na pagkakataon. Siya na ang sunod na lalagak sa sinapupunan ng isang ina. âSuklian mo ng pagmamahal ang iyong mga magulang. Igalang mo sila't sundin sa sandaling ikaây magkamuwang. Ano man ang mangyari, mahalin mo sila. Aking anak, magalak ka! Ikaw na ang susunod na lalagak sa isang sinapupunan." Nagulat siya sa kanyang narinig at napayakap siya sa ating Panginoon. Susuklian daw niya ng nag-uumapaw na kabutihan ang kabutihang ipapamalas sa kanya ng kanyang magiging pamilya; at nangako pa siyang pipilitin niyang maging susi sa kaginhawahan ng mga ito. Tuwang-tuwa pa siyang nagpaalam sa kanyang mga kaibigang anghel ng gabing iyon. Inggit na inggit sila sa kanya. Ano ba raw kabutihan ang nagawa niya sa langit para mapabilis ang pagpunta niya sa lupa. Hindi na niya ito nasagot sapagkat biglang nagdilim ang kanyang paligid. Nasa sinapupunan na pala siya ng kanyang ina. Subalit hindi sarap at init ng pagmamahal ang agad niyang naramdaman. Sa mura niyang katawan at pag-iisip, ramdam na agad niya ang matinding suntok sa tiyan. âGanito ba ang tinanatawag na pagmamahal?" Hindi niya pinansin ang unang araw nang maramdaman niya ang sakit na iyon, inisip na lang niya na ang lahat ay dumaraan sa ganung pagkakataon. Nang sandaling maulinigan niya ang mundo sa labas, puros hinagpis, luha at away ang kanyang narinig..."Punyeta kang bata ka, bakit ka pa nabuo!" Halos maiyak siya nang manuot ang mga katagang iyon sa kanyang puso. Sa lupa lang niya naramdaman ang ganoong kasakit na mga salita. Ang mas masakit, nanggaling iyon sa sarili niyang ina na inaasahan niyang matutuwa sa kanyang pagdating naulinigan ang mga katagang iyon.
"Mahaba ang pila sa langit. Ilan lang siya sa milyon-milyong munting anghel na naghihintay na mabigyan ng pagkakataon ng ating Panginoon nang sandaling mabuhay sa mundo. Hindi na mabilang ang araw na kanyang napalipas sa paghihintay upang masilayan kahit ilang saglit ang ganda ng lupa."
Kinampante niya ang kanyang kalooban at pinapaniwala ang sarili na ganun talaga ang dinaranas ng lahat ng mga mumunting sanggol sa sinapupunan. Kahit batid niyang hindi iyon ang katotohanan, mas pipiliin pa niyang magmaang-maangan kaysa damdamin ang ganoong katinding pasakit sa napakamura pa niyang isipan. Lumilipas ang araw ay unti-unti ng nabubuo ang kanyang katawan. Subalit sa unti-unti nitong pagkabuo, palaki naman nang palaki ang dalamhating kanyang nararamdaman. Hindi niya malilimutan ang mga sandaling tunawin ng likidong iyon ang ilang bahagi ng kanyang mga paa, sandaling pasuin ng tabletang iyon ang kanyang mga kamay. Wala siyang magawa kundi ang lumuha. Naisip niya kung papaano siya magiging taga-ahon ng pinakamamahal niyang mga magulang sa kanilang kahirapan kung wala siyang mga paa at kamay. Muli, kinampante niya ang kanyang kalooban, inisip niya na muli silang sisibol, kahit pa alam niyang hindi iyon mangyayari. Pilit niyang hinahagkan ang tiyan ng kanyang ina upang maramdaman nito ang kanyang pagmamahal, upang mamalimos sa kanya kahit konting pag-aaruga. Sabik siyang maramdaman ang kanyang presensya, ang kanyang pag-ibig. Subalit sa tuwing may halik na dadampi mula sa kanyang mga labi sa sinapupunang kanyang kinalalagyan, suntok naman ang iginaganti ng kanyang ina. Pinipilit rin niyang yakapin ang kalamnan ng kanyang ina sa pamamagitan ng nauupos niyang mga kamay. Subalit lundag at dagok ang sa kanya'y isinusukli. At dumating nga ang isang araw, mas matindi pang pasakit ang nalasap ng naghihikahos niyang kalagayan. Hindi pa niya kabuwanan nang maramdaman niya ang isang malamig na bakal sa kanyang nauupos na mga paa. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na kanyang nararamdaman. Humihiyaw siya sa tindi ng kilabot subalit walang lumabas na boses ng panaghoy mula sa kanyang munting bibig. Pinipilit niyang kumapit subalit pinipilit pa rin siyang kuhanin. "Mahal kong ina, huwag mong ipahintulot na kuhanin ako ng malamig na bakal.....bigyan mo ako ng pagkakataong mabuhay, bigyan mo ako ng pagkakataong mahalin kita!!!!" Ito ang taus-pusong panalangin ng munting anghel sa kanyang ina. Tigib ng luha ang mura niyang mga mata. Manhid na ang buo niyang katawan. Hindi na niya kayang lumaban. Pinalaya niya ang kanyang tuyot na kamay sa pagkakahawak sa sinapupunan na minsan niyang naging tahanan. Malaya niyang ibinigay sa makasalanang mga kamay ang buhay na inagaw nila sa kanya. Wala silang iyak na narinig. Tahimik lang siyang lumabas. âNi isang uha, âni isang dalamhati, hindi niya pinaramdam sa magaling niyang ina. Subalit sa kanyang kalooban, punong-puno siya ng kalungkutan...punong puno ng hinagpis at pagdaramdam. Nakita niya ang kanyang katawan, tigib ng dugo at ngayon, nasa mundo na lang siya ng isang malamig na garapon. Hindi niya nasilayan ang ganda ng mundo, hindi niya naramdaman ang pagmamahal ng isang magulang, hindi niya naranasan ang pagmamahal ng isang kapatid, hindi niya naranasang mapabilang sa isang pamilya, hindi niya naranasang iahon ang kanyang mga magulang sa kanilang kahirapan. Higit sa lahat, hindi niya naranasang âumuhaâ na siya sanang hudyat ng kanyang pagkabuhay. Hindi niya alam kung darating pang muli ang kanyang pagkakataon na isilang sa mundo. Mahabagin ang Diyos, nawa'y sa mabuting ina na siya ipagkatiwala sa susunod na panahon. Agad akong napabalikwas sa aking pagkakatanghod, hindi ko na kayang limiin ang kinahinatnan ng munting sanggol. Lungkot ang aking naramdaman sa kanyang kinasapitan. Pagdurusa ng munting kaluluwa na tanging hinangad ay ang mabuhay sa mundo.
"Sa munting anghel na naghangad na siya'y mahalin at magmahal. Subalit sinira ng isang mapagpanggap na bagong bayani ang kanyang mga mumunting pangarap. Isang mapagpanggap na nilalang na takot harapin ang kanyang responsibilidad. Sarili niyang dugo at laman, walang awa niyang kinitil at pinag-damutan ng buhay."-
Sa munting anghel na naghangad na siya'y mahalin at magmahal. Subalit sinira ng isang mapagpanggap na bagong bayani ang kanyang mga mumunting pangarap. Isang mapagpanggap na nilalang na takot harapin ang kanyang responsibilidad. Sarili niyang dugo at laman, walang awa niyang kinitil at pinagdamutan ng buhay. Isang munting anghel na sa halip ilagak sa init ng sinapupunan ay isinuplong at ikinubli sa isang malamig na bote ng palaman. Dumarami ang ganitong sitwasyon sa ating lipunan at sa ibayong dagat. Dumarami ang kumikitil ng buhay ng may buhay. Dumarami ang mga karumal-dumalâ¦karumal-dumal na gawain, karumal-dumal na desisyon, karumal-dumal na pag-iisip, karumal-dumal na pagkatao. Mahalaga ang buhay, itaguyod ang buhay, masarap ang mabuhay. Huwag natin itong ipagkait sa mga anghel na mahabang naghintay ng pila mula sa langit upang marating lamang ang mundo natin dito sa lupa. Tulad ng hindi pagkakait ng ating mga magulang sa buhay na ipinahiram sa atin ng Poong Maykapal. Magpasalamat tayo sa kanila at hindi nila hinayaang mapatid ang ating buhay noong tayo'y nasa sinapupunan pa ng ating ina. Magpasalamat tayo at naranasan natin ang âumuha." Kabayan, kay ganda ng daigdig, huwag natin itong ipagdamot. Kay ganda ng buhay, huwag natin itong ipagkait. Kay ganda ng pag-ibig, itoây ating pagyabungin ng naaayon sa kalooban ng Poong Maykapal. Ang buhay ay ipinahihiram lamang sa atin ng ating Panginoon. Wala tayong karapatang bawiin ito sa kahit sino man, lalo't higit sa isang munting sanggol na ipagkakatiwala sa atin ng ating Amang lumikha. Ngayon kabayan, masasabi mo bang isa kang tunay na bayani sa makabagong panahon? Patunayan mo sa iyong sarili, patunayan mo sa mundo. Hindi pa huli ang lahat, patunayan mong naiiba ka sa mga bayaning karumal-dumal! - GMA News Gilson B. Aceveda Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!