ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Naglabas ng saloobin: Ang karanasan ko sa Saudi (2)


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

(Karugtong) Sa wakas ay nakalabas na kami, ang problema na lang ay yung susundo sa amin… hindi namin kilala. Sinubukan naming tawagan yung cellphone number na binigay sa amin pero walang sumasagot. Pero wala naman nabahala sa grupo at lumabas na kami sa immigration papunta sa exit. Laking gulat namin nang may tumawag sa amin nang Pare! Pare! Dalawang Arabo at doo ay napag-alaman namin na sila pala ang sundo namin. Isang pick-up truck at isang SUV ang dala nilang sasakyan para sa amin. Diretso na kami sa opisina , pero bumili muna kami ng pagkain at ‘shawarma.’ Yun ang paborito ko, pang-kinseng katao pero lima lang kami.


Hindi nagtagal at lumipas ang mga araw, nakipag-set ng meeting ang presidente sa amin para makausap kami. Isa-isa kami na ipinakilala ang sarili at pagkatapos ay tinanong kami kung may mga tanong kami sa kanya. Tinanong ko kung naghi-hire sila ng babae dahil gusto kong ipasok ang asawa ko para magkasama kami.
– Danny
Marami rin akong naubos, at nakilala ko ang mga nagpapatakbo ng kompanyang napasukan ko – Si N na Arabo na diretsong mag-Tagalog dahil labas pasok na sa Pinas; si H na Pakistani, yung nag-final interview sa akin sa Pilipinas; at si A, Pakistani na naman. Huling-huli yung presidente ng kumpanya na Arabo. Unang kita ko pa lang sa kanya alam ko na kung anong ugali mayroon siya. Unti-unti ko pa itong pinag-aralan at inalam. Pagkatapos ng pagpapakilala binigyan kami ng food allowance na 500 riyals, katumbas ng humigit kumulang na anim na libong piso. Sa pagkakaintindi ko ay bigay ‘yon sa amin. Pagkatapos nun ay diretso na kami sa tutuluyan naming accommodation. Halos pare-pareho ang kulay ng mga accommodation, nakakapanibago. Ang disyerto na lupa, nagkalat na parang basura. Hindi na bago at gamit na yung accommodation naming, inuupahan lang ng kumpanya. Mayroong itong dalawang kuwarto, sala, banyo, at kusina. Para sa limang tao, parang malaki masyado sa amin. Mayroon kaming bagong kama na bakal, may kutchon, unan at blanket. Lima kaming nagsama-sama sa isang kwarto at iyong isang kuwarto ay ginawa naming sampayan. Nang nawala ang pagka-busy ng lahat, naalala ko na naman ang mga naiwan ko sa Pilipinas. Wala pa akong SIM card na galing Saudi kaya hindi ko pa matawagan ang asawa ko. Nakikigamit lang ako ng laptop sa kasamahan ko para magkaron kami ng komunikasyon sa pamamagitan ng Internet. Dalawang araw na pahinga ang ibinigay sa amin bago pumasok. At pagpasok, mga unang buwan ay wala naman kaming ginagawa dahil yung opisina na para sa trabaho ko eh ginagawa pa. Hindi nagtagal at lumipas ang mga araw, nakipag-set ng meeting ang presidente sa amin para makausap kami. Isa-isa kami na ipinakilala ang sarili at pagkatapos ay tinanong kami kung may mga tanong kami sa kanya. Tinanong ko kung naghi-hire sila ng babae dahil gusto kong ipasok ang asawa ko para magkasama kami. Sinabihan ako na ibigay ko sa kanya ang resume ng asawa ko para malaman niya. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon, nagpasa ako kaagad kahit maliit lang ang sahod. Ang importante kasi ay magkasama kami. Ilang buwan ang lumipas ay okey naman ang patakbo ng kumpanya. Nang nakalipat na kami sa opisina ng mga IT na siyang trabaho ko doon, nagsimula nang makilala ko ang ugalit ng bawat isa. Si H na Pakistani ay nakaaway ko dahil lang sa susi ng opisina… na susi ko. Pilit niyang kinukuha ang susi dahil wala siyang susi. Nagkasagutan kami at muntik nang magkaron ng gulo dahil sa panlalait niya. Pero napigilan iyon dahil naawat kami ng isang Saudi na empleyado rin.

Agad akong humingi ng tulong sa presidente namin dahil sa nangyari para maayos kaagad. Mahirap kasing magtrabaho na mayroon kang hindi kasundo, at naayos naman. Unti-unti ko rin nakilala ang isa pang Pakistani na si A -- may pagkagalante, minsan mabait, pero kalimitan kupal.

Agad akong humingi ng tulong sa presidente naming dahil sa nangyari para maayos kaagad. Mahirap kasing magtrabaho na mayroon kang hindi kasundo, at naayos naman. Unti-unti ko rin nakilala ang isa pang Pakistani na si A -- may pagkagalante, minsan mabait, pero kalimitan kupal. Isang araw ay binigyan kami ng bagong kontratang pipirmahan na nakalagay na “IT Marketing Executive" ako. Pero sa kontrata sa Pilipinas na may kopya ako, “ IT Technician" ako. Ngunit wala na akong magawa dahil nandun na ako kaya pinirmahan ko na lang at hindi ko na binasa. Napirmahan ko nang mabasa ang kontrata at nalaman ko na ito ang kontrata na kikilalanin, at kung sakaling magkaproblema, ang gobyerno lang ng Saudi ang puwedeng makiaalam. Hindi nagtagal ay naintindihan ko unti-unti yung kontrata. Hindi ito patas at lugi kami sa sitwasyon. Pero binale-wala ko lang sa pag-aakalang hindi naman magkakaproblema. Pagsapit ng Pebrero 2011 ay dumating ang asawa ko, at nagtrabaho siya bilang secretary ng president ng kumpanya. Pero ang kanyang sahod, malaki pa ang kinikita niya sa Pilipinas. Isa lang iyon sa mga naisakripisyo namin magkasama lang kami. Sinundo ko siya sa Dammam airport at dumeretso kami sa opisina. Nalaman ko na wala pa palang naka-ready na family accommodation para sa amin. Kaya nag-alala ako dahil hindi naman puwede ang babae sa bachelor accommodation namin. Hindi napaghandaan ng kumpanya ang pagdating niya. Nung araw nang dumating siya saka lang naghanap ng family accommodation. Hapon nang araw din ng kanyang pagdating ay may nakitang dalawang family accommodation. Parehong malayo sa opisina pero puwede namang lakarin, mga 30 to 45minutes ang layo kapag nilakad. Pinili namin yung mas malapit-lapit. Kaya lang talaga literal na bahay lang ang lugar kasi walang kagamit-gamit. Yung dinatnan naming higaan, iyon na ang ginagamit naming. Walang ibinigay ang kumpanya para sa asawa ko kaya napilitan kaming bumili -- aircon, refrigerator at washing machine. Puro 2nd hand lang naman, mahal kasi ang brand new. Hindi na rin kami nagreklamo, inisip na lang namin na ang importante ay magkasama na kami. Dumaan ang ilang linggo, unti-unti at lalo pa namin nakilala ang bawat tao sa opisina. Magmula sa taga-timpla ng kape hanggang sa may-ari ng kumpanya. Si A, isang Pakistani manager, na madalas magpagawa ng trabaho sa mga tao kahit hindi naman nila trabaho. Marami na siyang pinagawang ganun, may mga umalma, meron hindi., Dumating ang punto na ginawa niya sa akin iyon pero ipinaglaban ko ang karapatan ko at kung ano ang nasa kontrata. Sinabi ko sa kanya na puwede mo niya akong pagawin ng trabaho basta related sa trabaho ko – “IT Technician." Kaso ang ipinapagawa niya eh mga trabahong pang opisina. Katulad ng taga-ayos ng papel, na kung tutuusin ay nakaayos naman. Ang gusto niya lahat kumikilos at may ginagawa. Okey lang iyon kaso hindi ko nga trabaho.

Nagulat ako dahil bigla siyang nagtaas ng boses. Sinabihan niya ako na wala akong karapatan labasan siya ng pera. Sa akin lang naman, gusto ko lang magbayad. Napuno na rin ako at nakipagsagutan sa kanya. Kasunod nun ay nagulat na lang ako dahil bigla niya akong sinapak.

Minsan nga pati printer na sira ipinapagawa sa akin. Wala naman sa resume ko na gumagawa ako ng printer. Siya ang pinaka-hindi ko gustong makasama sa kumpanya. Nakita ko kung paano niya maliitin ang mga tao sa paligid niya. Pati yung mga empleyadong babae, maraming may ayaw sa kanya sa opisina. Sa pagkakakilala ko sa kanya, lahat gagawin niya magkaroon lang ng kapangyarihan. Madalas niya akong inuutusan kahit hindi ko naman trabaho. At lagi ko rin ipinaglalaban kung ano ang karapatan ko at kung ano ang nasa kontrata. Iyon nga lang, dalawa ang kontrata… isang pinirmahan ko sa Pilipinas at isa dito sa Saudi. Pagdating dito ay naging IT Marketing Executive ako imbis na IT Technician. Pero hindi ako nagreklamo basta trabaho ko yung ipagagawa. Sa bagong opisina, lahat ng mata dun nakatingin lagi sa ginagawa ko. Pakiramdam ko hinahanapan ako ng butas para magkamali. Isang beses nagkasagutan kami ng Pakistani na iyon. Mayroon siyang ipinapagawa na hindi ko naman trabaho. Dahil nabara ko siya at napahiya, siguro gumawa siya ng paraan para makabawi. Sapilitan niyang inilipat ang mga gamit ko sa tabi ng mesa niya sa opisina. Binago niya ang trabaho ko, ginawa niya akong “data encoder" na wala akong ka alam-alam. Sobrang sama ng loob ko, humingi ako ng tulong sa presidente pero mayroon pala siyang pahintulot na ibinigay dito. Nung mga panahon na ‘yon, naisip ko na umuwi na lang kaysa maghirap kaming asawa dito. Wala akong nagawa at ginawa ko ang trabaho na gusto niyang ipagawa. Tahimik lang ako at hindi ko siya kinikibo. Isang araw nakita ko kung paano niya pinagalitan ang isang Saudi na babae. Dahil lang iyon sa pag-print ng dokumento na malapit sa lamesa nung Pakistani. Pinagbabayad yung Saudi na babae na 50 riyals kada print. Kung biro man iyon, hindi maganda. Nakita ko ang mukha ng babae na napapahiya na at seryoso naman ang mukha ng Pakistani na mahilig mamahiya ng tao. Hindi ako nakapagpigil at sinabihan ko yung Pakistani na ako na lang ang magbabayad manahimik na lang siya at matapos ang kanyang pagtatalak. Nagulat ako dahil bigla siyang nagtaas ng boses. Sinabihan niya ako na wala akong karapatan labasan siya ng pera para ipamuka sa kanya. Sa akin lang naman, gusto ko lang magbayad. Napuno na rin ako at nakipagsagutan sa kanya. Kasunod nun ay nagulat na lang ako dahil bigla niya akong sinapak. (Itutuloy) - GMA News Danny Naglabas ng saloobin: Ang karanasan ko sa Saudi (1) Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!