We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Dubai⦠pelikula nila Aga Mulach, Claudine Barretto at John Lloyd Cruz. Iyan ang pinapanuod ko sa aking laptop. Ang buhay nila ay umiikot sa mga lugar dito sa Dubai; Ang pamumuhay nila bilang isa sa mga Overseas Contract Worker. Mayroong mga parte o eksena sa pelikula na hawig sa totoong nangyayari sa buhay namin dito sa Dubai. Ang ipinagkaiba lamang ay ang eksena nila na nakatira sila sa isang apartment na iisa o dalawang tao lang ang umuupa .
Sa isang kuwarto ay mayroong apat na double deck bed na kakasya ang walong tao, at dalawa ang common CR. Ang kuwarto ay hinahati sa dalawa na ang ginagamit na pang-partition ay mga cabinet na yari sa kahoy lamang. Sa isang partition ang mga babae at iyong isang partition ay sa mga lalake.
â L.N.
Karaniwan kasi rito sa Dubai ang tinatawag na sharing o kaya ay partition ang tinutuluyan na kalimitan sa isang flat. Mayroon itong tatlong kuwarto katulad na lang sa aking tinitirhan sa ngayon. Ang terrace area ay ginawa pang partition para lamang mapaupahan. Sa isang kuwarto ay mayroong apat na double deck bed na kakasya ang walong tao, at dalawa ang common CR. Ang kuwarto ay hinahati sa dalawa na ang ginagamit na pang-partition ay mga cabinet na yari sa kahoy lamang. Sa isang partition ang mga babae at iyong isang partition ay sa mga lalake. Dalawa kami ng pinsan ko na magkasama sa isang double deck. Makikita mo sa aming puwesto ang isang maliit na ref, at isang lamesa na hindi lang gamit sa pagkain kundi patungan na rin ng iba pang gamit. Lahat ay pinagkakasya sa maliit na lugar. Ang upa sa isang bed spacer ay umaabot ng 700dhs kada buwan, na kung iko-convert sa peso ay aabot sa walong libo. Kung ikukumpara mo dun sa mga nasa eksena ng pelikulang Dubai ay hindi tugma dahil sa ang isang flat ay mababa na ang limang libo ang upa. Kung karaniwan kang empleyado ng isang kumpanya ay hindi mo maa-afford ang ganung lifestyle. Manghihinayang ka sa pera na ganun kalaki ang babayaran mo sa upa pa lamang. Hindi pa kasama roon ang bayarin sa tubig at ilaw, gasul at internet. Maliban na lamang kung yun ay accommodation ng company. Pero sa isang company, hindi sila nagbibigay ng ganung klase ng accommodation kung karaniwang empleyado ka lamang. Madalas ay marami kayong empleyado na magkakasama sa isang flat.
Sa bus ay madalas ay nagkukuwentuhan kami ng pinsan ko at kung minsan naman ay ang mga tinatawag naming âbusmate" o iyong mga madalas na nakakasabay namin sa bus. Mayroong mga nakatutuwang eksena at nakaiiritang mga tao sa bus. Lalo na ang iyong mga may masamang amoy na akala moây hindi naliligo ng ilang linggo.
Mahirap ang buhay dito sa Dubai. Sa umaga pa lang ay gigising ka nang 5:30 a.m. para magluto ng almusal, kasama na ang pambaon para sa tanghalian sa opisina. Karaniwang almusal namin dito ay itlog. Halos araw-araw ay âyon ang almusal namin maliban na lang kung may matirang pagkain kinagabihan. Ako ang kadalasang nagluluto sa amin ng pinsan ko dahil wala siyang ibang alam na lutuin kundi prito. Kaya habang naliligo siya, naghahanda naman ako ng almusal namin. Pagkatapos niyang maligo at makapagbihis ay pinapalitan naman niya ako sa kusina para hugasan lahat ng ginamit ko sa pagluluto. Ako naman ang sunod na maliligo at pagkatapos ay magbibihis na rin para kumain ng almusal. Habang nag-aalmusal kami sa sala ay nanunuod kami ng GMA shows sa Pinoy TV cable namin. Karaniwan na kapag Monday to Friday ay âUnang Hirit" ang napapanood naming. Kapag Saturday & Sunday naman ng umaga ay teleserye marathon. Pagkatapos naming mag-almusal ay naghahanda na kami sa pagpasok sa opisina. Iisang way lang ang daan papunta sa aming office ng aking pinsan. Araw-araw bus ang gamit na transportasyon namin papasok ng office dahil sa hindi provided ng company ang service sa pagpasok. Sa bus ay madalas ay nagkukuwentuhan kami ng pinsan ko at kung minsan naman ay ang mga tinatawag naming âbusmate" o iyong mga madalas na nakakasabay namin sa bus. Mayroong mga nakatutuwang eksena at nakaiiritang mga tao sa bus. Lalo na ang iyong mga may masamang amoy na akala moây hindi naliligo ng ilang linggo. Karaniwan ay mga lalaking ibang lahi ang maamoy mo na hindi kaaya-aya. Buti na lang at nakahiwalay ang upuan ng mga babae sa lalake. Sa unahan ang mga babae at sa likod ang mga lalaki. Isa âyan sa mga tinitiis namin sa loob ng bus. Pagdating ko sa opisina ay nadadatnan ko kaagad ang katrabaho ko na iba ang lahi na madalas ay nanunuod ng pelikulang gawa sa kanilang bansa. Una kong ginagawa ay ang pagsisindi ng insenso para maalis ang hindi kaiga-igayang amoy. Amoy na dulot ng sigarilyo at ang mga kinakain din ng mga officemate ko na iba ang lahi. Bubuksan ko na rin ang computer ko at itse-check ko kung may email na importante. Sunod ay ang bank balance namin na online banking at ita-tally sa aking excel cash balance.
Minsan sa opisina ay naalala ko ang aking tatlong anak. Ang panganay ko ay lalaki na walong taong-gulang, yung pangalawa ay 5-years-old at yung bunso ay 4 years old na. Wala sa pangarap ko na pumunta rito sa Dubai.
Pagkatapos ay sunod kong io-open ang aking Facebook account at email account. Chat muna ng konti sa mga friends or sa family na naka-online. Madalas na dumarating ang mga amo ko bandang 10 a.m. kaya kaagad ko ring isasara ang aking FB at email. Mag-isa lang akong babae sa aming kumpanya. Accountant ang posisyon ko pero hindi lang âyon ang work ko. Multi-tasking ang work ko ditto â receptionist, document controller, secretary, kung minsan taga-linis ng mga kalat ng aking mga ka-opisina na balahura. Biruin mo lahat ng pinagkainan nila ay nasa lamesa lang, nandun yung mga cigarette butts, cola cans, at kung anu ano pa. Kung minsan ay inaamag na ang pagkain na naiwan nila sa lamesa nila. Ako na rin ang nag-aayos ng mga papeles para sa mga visa ng mga tao. Masuwerte ako sa aking amo dahil mabait at madaling kausapin. Malaki ang tiwala sa akin ng amo. Ang kanyang mga personal na password ay pinagkakatiwala niya sa akin. Madalas ay wala ang amo ko sa opisina. Kung minsan wala ring trabaho lalo na kapag patapos na ang mga project namin. Kapag wala akong magawa ay nagse-search ako sa Internet ng mga pangkabuhayan para kung sakali man na umuwi na ako at permanenteng manatili na sa Pilipinas. Minsan sa opisina ay naalala ko ang aking tatlong anak. Ang panganay ko ay lalaki na walong taong-gulang, yung pangalawa ay 5-years-old at yung bunso ay 4 years old na. Wala sa pangarap ko na pumunta rito sa Dubai. Nagkataon na nandito yung mga pinsan ko sa mother side at nag-invite sa akin na mag-visit visa muna habang naghahanap ng work dito. Matagal na rin kasi sila rito at apat na magkakapatid sila na nandito. Umutang kami ng asawa kong government employee sa isang lending institution kung saan siya nagwo-work sa ngayon. Maliit lang ang sahod niya at hindi nagkakasya sa pangangailangan namin. Nagtatrabaho rin ako noon sa isang television station sa probinsya at pagkatapos ay lumipat sa isang trading company ng appliances. Pero dahil lagging kinakapos pa rin kami sa pera, napagdesisyunan ko na mag-abroad na. (Itutuloy) â GMA NewsL.N.Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sanaây hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!