Isang Swiss National, arestado sa pangingikil sa mga empleyado ng City Hall sa Laoag!
Arestado ang Swiss National matapos ireklamo ng pangingikikil ng ilang empleyado ng city hall sa Laoag City, Ilocos Norte. Nakilala ang Swiss National na si Rene Kurt Meierhans, 68 anyos na galing pang Olongapo City. Ayon sa pulisya, ilang opisyal at empleyado sa city hall ang nabiktima ng suspek na nagkunwaring naholdap at nanghihingi ng pera. Agad itong ipinaalam sa Bureau of Immigration at napag-alamang overstaying at wala ring maipakitang passport. Base sa nakalap na impormasyon, pumasok sa bansa si Meierhans noong June 2007. Maayos naman ang magdamag na pamamalagi nito sa loob ng kulungan. Agad namang nagpalabas ng commitment order para sa pansamantala itong ma-detain sa BJMP. Mamayang gabi, inaasahang dadalhin siya sa Maynila para sa kanyang summary deportation. --Glamorfe L. Calicdan