Ricky Reyes napaiyak nang balikan ang panahon na pinapalayas sila sa bahay
Hindi napigilan ni Ricky Reyes na lumuha nang sariwain ang panahon na mahirap pa sila at pinapalayas sa inuupahan nilang bahay. Pinangunahan nina Mother Ricky at misis ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na si Tates Gana, ang paglilipat sa bagong tahanan ng Child Haus Foundation, na kumakanlong sa mga batang may sakit tulad ng cancer. Sa pag-alis sa dati nilang tahanan sa besinidad ng Quezon Institute sa Quezon City, hindi naiwasan ni Mother Ricky na manariwa ang ala-ala nang kabataan niya nang pinapalayas sila sa kanilang unuupahang bahay.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âGusto ko yung paglipat nila masayang-masayang-masaya. Yung maraming balloons, maraming tao para hindi nila maramdaman na pinaaalis ka na. Because its very painful, naranasan ko âyon nung bata ako. Lagi kaming pinapalayas and you know, I donât want them to feel that," emosyunal na pahayag ni Ricky sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Bakas din ang lungkot sa mga batang may sakit sa kanilang paglisan sa kanilang tinuluyang gusali sa loob ng pitong taon. Kailangan na nilang lisanin ang lugar dahil idineklara ng Department of Public Works and Highways na âcondemned" ang gusali. Pero ang kalungkutan ng mga bata ay biglang napalitan ng saya nang dumating at makiisa sa kanila ang Kapuso child star na si Jillian Ward. Bukod sa pagtulong sa pamimigay ng pagkain at inumin, nagbigay pa ng mensahe si Jillian sa mga bata. âMagpagaling kayo ha, lilipat na tayo sa ibang Child Haus, mas maganda, mas malaki," masaya niyang balita. Ikinatuwa rin ni Mother Ricky ang ipinakitang suporta ni Jillian sa mga batang may sakit. Mula sa lumang gusali, inilipat ang Child Haus sa bago nitong tahanan sa Project 8, Quezon City. - FRJimenez, GMA News