GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

Ang tala-larawan ng aking kabataan

July 30, 2011 6:51pm

Tags: Bataan
Balisang-balisa ako sa aking pagkakahiga. Napakarami ko nang ginawa ngunit ayaw pa rin ako dalawin ng antok. Hanggang sa maisipan ko na ayusin ang mga gamit na naiwan na nakakalat sa aking maliit na lamesa.

Habang isinasaayos ito, nakita ko ang aking tala-larawan na nakalagay sa tabi ng isang maliit na lampara na nagsisilbing ilaw sa aking maliit na silid-tulugan. Kinuha ko ang tala-larawang iyon at nahiga .Naisipan kong buksan at sa unang pagbuklat, magkahalong tuwa at lungkot ang aking naramdaman.


Ang mga larawan ng mga kabataan na aking nakasama mula sa iba’t ibang parokyang aking napaglingkuran. Hinaplos ko ang bawat litrato at sabay pagpikit ng aking mga mata upang ang mga larawang ito ay muling magkabuhay sa aking isipan. Sa isang iglap, inilipad ako ng aking diwa sa nakaraan at naglakbay pabalik sa dati kong mundong kinalalagyan.
– Rodel
Ang mga larawan ng mga kabataan na aking nakasama mula sa iba’t ibang parokyang aking napaglingkuran. Hinaplos ko ang bawat litrato at sabay pagpikit ng aking mga mata upang ang mga larawang ito ay muling magkabuhay sa aking isipan. Sa isang iglap, inilipad ako ng aking diwa sa nakaraan at naglakbay pabalik sa dati kong mundong kinalalagyan.

Ang katahimikan ng gabi ay nagmistulang ingay sa aking pandinig sapagkat muli kong narinig ang samu't saring sigawan at halakhakan na nagmumula sa mga kabataan. Idinuyan ako ng mga tinig na ito patungo sa alapaap upang damhin ang kaligayahang walang puknat sa piling ng mga munting nilalang ng daigdig.

Kakaibang sigla ang makihalubilo sa mga kabataan na siyang pundasyon at pag-asa ng ating bayan. Sabi nga nila, masarap ang maging bata. Kung maaari lamang na ang buhay ng tao ay huminto na lamang sa pagiging kabataan, marahil magiging makulay at masaya ang mundo.

Tandang-tanda ko pa na kara-karay ako ng aking ina patungo sa Don Bosco upang mag-aral ng katesismo. Nasa ikatlong baytang ako nang nagsimulang maging aktibo sa simbahan. At dahil sa mga karanasang iyon ay nagsimulang umusbong ang aking hangarin na maglingkod sa simbahan, lalo na sa mga kabataan at maging sa komunidad. Naging kaisa ako ng Arkidiyosesis ng Maynila sa pagtuturo ng Katekesis sa bawat pampublikong paaralan. Lalong pinatibay ang damdaming ito nang mabigyan ng pagkakataon na makapag-misyon sa mga kababayan nating aeta sa Porac, Pampanga, at sa mga kapatid nating Igorot sa Mt.Province.


Sa pagdilat ng aking mga paningin, muling sinilip ang tala-larawan at sa pagkakataong ito, bumungad sa akin ang mga litratong nagpapakita ng aking pakikipagsapalaran dito sa bansang Kuwait. Bigla akong napaupo mula sa aking pagkakahiga, malalim na napabuntung-hininga. Napalitan ng lungkot ang mukhang kanina'y punong-puno nang sigla.

Ang pagiging “Youth Moderator" sa bawat lugar na aking napuntahan ay nakapag-iwan din nang bakas sa aking pagkatao. Hindi lamang ang simbahan ang naging sentro ng aking paglilingkod. Ako rin ay nag-organisa ng mga programang pang komunidad. Pinangunahan ko ang pagsasagawa ng “non formal education" sa mga "out of school youth" sa parokya ng San Jose de Trozo. Nagsagawa rin ako ng iba't ibang pangkabuhayang programa para sa mga maralita katulong ang Caritas Manila.

Sa pagdilat ng aking mga paningin, muling sinilip ang tala-larawan at sa pagkakataong ito, bumungad sa akin ang mga litratong nagpapakita ng aking pakikipagsapalaran dito sa bansang Kuwait. Bigla akong napaupo mula sa aking pagkakahiga, malalim na napabuntung-hininga. Napalitan ng lungkot ang mukhang kanina'y punong-puno nang sigla.

Hindi naging madali para sa akin ang lisanin ang ating bayan at makipagsapalaran sa lugar ng mga banyaga. Mahirap mapawalay sa pamilyang naging karamay, at sumuporta sa lahat ng aking mga desisyon. Mabigat sa kalooban na pansamantalang itigil ang paglilingkod sa mga kabataan upang magbigay daan sa aking pansariling pangangailangan at paglago. Kung tutuusin, napakasimple lamang ang buhay ko noon, kahit maliit lang ang kita, ang mahalaga ay ang kasiyahang tinatamasa buhat sa aking mga ginagawa.

Mag- aapat na taon na simula nang iwan ko ang ating bayan. Hindi naging madali para sa akin ang mamuhay sa lupain ng ibang tao. At kahit pagod at masyadong nakatutok sa trabaho, sinisikap ko pa ring magtayo ng tulay na mag-uugnay sa mga kabataan gamit ang modernong pamamaraan. Kahit ako ay nagsusunog ng kilay dito sa bansang Kuwait, nagbigay ako ng oras at panahon para maipagpatuloy ang aking paglilingkod sa mga kabataang maituturing na pag-asa at tunay na ahente na magpapabago sa ating lipunan gamit ang internet.


Ako mismo ang magsisilbing halimbawa upang pamarisan ng mga pausbong na mga kabataan... na ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili. Ipauunawa sa kanila na ang pagkamit ng tagumpay ay hindi lamang nakatuon sa isyu ng pangingibang-bansa ng ilan sa ating mga kababayan

Aking pinagmasdan ang tala-larawan, sa pagkakataong ito, hahayaan ko itong manatiling nakabukas sapagkat hindi pa ito ang tamang oras upang ito’y isara at itago sa baul ng nakaraan. Sa aking pagbabalik sa bansang aking sinilangan, bukod sa mga pasalubong para sa aking mga mahal na magulang at mga pamangkin, bitbit ko ang tala-larawang ito. Dala ang apoy na naglalagablab upang muling pagningasin ang init ng pagkauhaw sa pagtulong sa mga kabataang naging bahagi ng aking buhay.

Bagamat ako’y lumisan para mag-ipon, ako ngayo’y magbabalik para makaahon. Kasabay ang pangakong ipagpapatuloy ang naudlot kong paglilingkod sa mga kabataan. Kaakibat ang panibagong simula, ibabahagi ko ang aking mga karanasan na aking napagdaanan sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Ang pagsasakripisyo, katatagan ng loob at ang aking pagmamahal sa aking pamilya ang tunay na naging inspirasyon upang makamit ang tagumpay na aking narating.

Ako mismo ang magsisilbing halimbawa upang pamarisan ng mga pausbong na mga kabataan... na ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili. Ipauunawa sa kanila na ang pagkamit ng tagumpay ay hindi lamang nakatuon sa isyu ng pangingibang-bansa ng ilan sa ating mga kababayan. Hindi kinakailangang mangibang-bansa upang magkaraoon ng pagbabago sa buhay. Sapagkat ang katotohanan, maraming mga umalis ng Pilipinas ang umuuwing luhaan.

Ang pagtitiwala sa kakayahan, pagsasakripisyo at pagiging matatag ang magiging daan ng pagbabago. Sa aking muling pagbukas ng tala-larawan, sa huling dahon ng pahina nakaukit ang mga katagang:

“Ako'y lumisan bitbit ang mga karanasang nagpatibay sa aking PAGKATAO, Ako'y magbabalik upang ibahagi ang daan ng PAGBABAGO..." - GMA News

Rodel Mancera mula sa Kuwait


Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso.

Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras.

Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!
Go to comments

Tags: Bataan



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus