ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Ang Kapalit Ng Mabigat Na Pasanin


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang napakagandang umaga noon habang ako'y papunta sa isa kong kliyente sa Doha. Nang may nakilala akong kababayan natin na naghahanap ng trabaho. Isa siyang padre de pamilya na lumakbay dito sa Doha sa tulong ng isang kaibigan. Bagamat sa itsura niya na halos 48-years-old na yata, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na muling makahanap ng trabaho dito sa gitnang silangan.


Habang papaakyat ang elevator papunta sa aking kliyente, tila sinusundan niya ako at parang hinihintay niya na makausap ko ang dapat kong kausapin doon. 'Sir baka pwede mo naman iabot itong biodata ko sa kontak mo dito. Baka sakali na makuha ako at makapagtrabaho,' sabi niya.
– Alex
Habang kausap ko siya dahil sabay kami sa elevator, tinanong niya ako kung saan ako nagtatrabaho. “Sa Al Jazeera po," sabi ko. Pansin ko sa kanyang mukha ang lungkot at pagod na animo'y uhaw na uhaw sa tubig dahil sa sobrang init na nilakbay niya mula sa labas. Habang papaakyat ang elevator papunta sa aking kliyente, tila sinusundan niya ako at parang hinihintay niya na makausap ko ang dapat kong kausapin doon. "Sir baka pwede mo naman iabot itong biodata ko sa kontak mo dito. Baka sakali na makuha ako at makapagtrabaho," sabi niya. Tila nagmamakaawa siya na ibigay ko ang kanyang biodata. "Kuya sige, ‘wag ka mag-alala ilalapit ko iyan dun sa kakilala ko rito. Baka sakali na tanggapin ka at makapagtrabaho," sabi ko sa kanya. "Salamat sir. Sana nga makuha ako," banggit niya sa akin. Sa edad kong ito, tila nahiya ako dahil malaki ang ibinigay niyang respeto sa akin kahit na mas bata ako sa kanya nang mahigit 15 taon. Habang ako ay naghihintay ng elevator pababa sa basement ng kompanyang pinuntahan ko, tila ibinigay yata ng pagkakataon na muli kong makasabay si Manong. "Sir kamusta po? Naibigay mo ba yung biodata ko dun sa kontak mo?," tanong niya.

Tila natulala ako at napabuntong hininga dahil nakalimutan kong ibigay sa kontak ko ang biodata niya dahil sa pagmamadali.

Tila natulala ako at napabuntong hininga dahil nakalimutan kong ibigay sa kontak ko ang biodata niya. Sabi ko, "Sir pasensya na nakalimutan ko kasing ibigay yung biodata mo dahil nagmamadali siya." Bakas sa kanyang mukha ang lungkot dahil sa sinabi ko sa kanya. “Kuya halika, sumama ka sa akin. Isasama kita dun sa isang kakilala ko para naman hindi masayang ang pag-aaply mo baka sakali doon may tanggapan ngayong araw," pag-aya ko sa kanya. "Sir nakakahiya naman sa’yo at maiistorbo pa kita," banggit niya. "Ano ka ba, maliit na bagay lang po ito at isa pa parehas tayong Pilipino kaya ‘wag ka nang mahiya, sumama ka na". Sa totoo lang ako ang nahiya sa kanya dahil hindi ko naibigay ang kanyang biodata dun sa kausap ko kanina. Habang kami ay bumabagtas papunta sa Al Saad-Doha, tila may isang anghel na pumasok sa aking sasakyan. Tumunog ang cellphone niya at may kinausap. "Sir may tumawag sa akin pinapupunta ako dun sa kompanya na pinuntahan ko kanina. For interview daw ako bukas ng umaga," sabi niya. Tugon ko naman, "Wow ang galing. Sana po makuha kayo para hindi na kayo mapagod mag-apply. "Sana nga kasi malapit nang mapaso ang visa ko at wala na akong pera pang-renew," pahayag niya. “Sir kain na lang tayo threat kita. Tingin ko gutom ka sa kakapunta sa mga inaaplayan mo rito," pag-aya ko. Naghanap ako ng makakainan para kahit paano ay makabawi ako sa kanya dahil napahiya ako kanina sa kanya. Habang kami ay kumakain, napunta ang usapan namin tungkol sa kanya. Mahigit 10 taon na siyang OFW at nakarating na siya sa iba't ibang bansa gaya ng Saudi Arabia, Oman, at Bahrain. Kinukwento niya sa akin ang hirap na pinagdaan niya sa mga kumpanyang pinasukan niya.

Ikinuwento rin niya sa akin ang kanyang problema tungkol sa kanyang pamilya. Hiwalay na pala siya sa asawa at may limang anak. Kahit napakasakit ang kwento, itinuloy pa rin niya sa akin.

Ikinuwento rin niya sa akin ang kanyang problema tungkol sa kanyang pamilya. Hiwalay na pala siya sa asawa at may limang anak. Kahit napakasakit ang kwento, itinuloy pa rin niya sa akin. Sinabi niya sa akin na habang nasa abroad, ang asawa naman niya ay may kinakasamang iba na hindi niya alam. Napakasakit naman nun, parang may kumurot tuloy sa puso ko sa nangyari para sa kanya. Hindi ko lubos maisip na sasabihin niya sa akin iyon. Maraming bagay akong natutunan sa mga kwento niya at pangaral habang kami ay nag-uusap. May isang bagay lang ako na hindi ko makakalimutan sa kanya. "Sir ‘wag mong kakalimutan ang tumawag sa Kanya dahil Siya lang tunay mong magiging sandalan kapag nabigo ka sa iyong buhay." Tila yata makadiyos pa ang dating niya kaya naman natuwa ako sa isang araw na nakilala ko ang taong ito. Sabi nga nila, sa iyo magsisimula ang magandang buhay at hindi sa ibang tao. Ang bawat “mabigat na pasan" na nasa iyong dibdib ay magiging maayos kung maayos din ang pangaral mo sa iyong pamilya. Hindi natin maikakaila na ang pagpupursige natin sa ibang bansa ay may mga kapalit na mabigat na pasanin na dumarating sa ating buhay. Kung mahina ang iyong kalooban, marahil hindi mo kayang makipagsapalaran sa magulong mundo ng buhay OFW. Ang magandang kinabukasan ay nasa iyong mga kamay kaya ‘wag mong sayangin ang mga pagkakataon na ikaw ay binibiyayaan ng magandang kapalaran. - GMA News Alex F Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!