ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Happy birthday mahal kong taksil


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

13th April 2011, Wednesday, 7:00 in the morning, I was about to attend a convention at Riyadh Exhibition Center when I decided to text Spanky of a simple “Happy Birthday." I don’t expect him to reply, feeling ko kasi masyadong masakit ang mga nabitawan naming salita the last time na nag-away kami halos tatlong buwan na ang nakakaraan. Hindi naman kaagad maghilom ang sugat na hatid ng tagpong iyon.


Sa humigit-kumulang na tatlong buwan na nagdaan, walang kahit na anumang komunikasyong namagitan sa amin. It was more than two hours later when I checked my cellular phone for any calls or messages… and there it was, a reply from Spanky.
-- Lily
Sa humigit-kumulang na tatlong buwan na nagdaan, walang kahit na anumang komunikasyong namagitan sa amin. It was more than two hours later when I checked my cellular phone for any calls or messages… and there it was, a reply from Spanky. “Salamat, pero mas maganda kung may kasamang regalo ang greetings mo…" sabi niya. “Lagi ka namang may regalo from me ‘di ba? Itinabi ko lang ‘yung ngayon saka ko na ibibigay sa iyo kapag mabait ka na. Naghanda ka ba?," masuyo kong tanong. “Hindi. Wala namang nakakaalam dito sa opisina na birthday ko. Alam mo naman na ikaw lang ang nakakaalala," madamdaming sagot niya. “Kung wala lang akong pasok bukas ipagluluto sana kita. Saka busy ako mula pa kahapon kasi nandito nga ako sa convention," pagmamagandang loob na sabi ko. “Huwag na nakakahiya naman sa iyo saka sanay naman ako na walang masarap na pagkain kapag birthday ko," pagtanggi naman niya. “Asus! Anong wala kang pagkain? Eh! Di ba lagi kitang ipinagluluto kapag birthday mo. Ngayon nga lang hindi kasi bad ka, sinaktan mo ako," pagpapaalala ko sa kanya. Nagsimulang manuyo ang aking lalamunan at nagsikip ang aking dibdib. Unti-unti ay tumulo ang aking mga luha. Muli kasing bumalik ang hapding dulot ng sugat ng kahapon. Natigilan ako. “Hello! Nandyan ka pa ba? nasaan ka ba?," tanong niya. Pinilit kong payapain ang aking kalooban at muli ay banayad akong nagsalita. “Nandito ko sa taxi nanggaling ako sa Saudi British Bank binayaran ko ‘yung visa card nila Inday at Pipay. Gusto ko sanang dalhan ka ng pagkain kaso gabi nang matatapos ang convention. Ibibigay na rin kasi ‘yung certificates namin," may panghihinayang na pahayag ko. “Huwag ka na ngang mag-abala. Okey naman ako. Next time na lang," tugon ni Spanky.

Nagsimulang manuyo ang aking lalamunan at nagsikip ang aking dibdib. Unti-unti ay tumulo ang aking mga luha. Muli kasing bumalik ang hapding dulot ng sugat ng kahapon. Natigilan ako.

May nararamdaman akong lungkot sa tinig ni Spanky at gusto kong isipin na dahilan iyon sa aming naging pag-uusap. Pero pilit ko itong iwinaksi sapagkat batid ko na maaaring muli na naman akong masaktan kapag hinayaan kong makapasok siyang muli sa aking buhay, sa aking puso. “Sige na papasok na ako ulit sa loob ng convention center. Happy birthday ulit," masuyo kong pamamaalam. May hapdi pa rin sa aking puso. Sapagkat kung hindi naganap ang minsang kataksilan nila ni Grasya ay maaaring masaya naming ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan ngayon. Marahil ay maraming putahe ng ulam na nakahain sa hapag-kainan -- ang paborito niyang kare-kare na may maanghang na manamis-namis na bagoong, macaroni salad, menudo, spaghetti at lumpiang shanghai. Ito sana ang plano namin noon, maghahanda siya at iimbitahin ang ilan sa kanyang mga kasamahan bilang pasasalamat sa lahat ng biyaya. Iyon ay bago nangyari ang mainitan naming pagtatalo. Muling bumulwak ang luha sa aking mga mata. Naroon pa rin ang sakit, tumatarak sa aking dibdib, humihiwa. Hindi napawi ng tatlong buwang pagkakalayo at pananahimik. – GMA News Lily Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang ating kwentuhan. Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso. Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng inyong saloobin, walang mapagsabihan ng sikreto, o kaya naman nais magbigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras. Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas na ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!