GMA News Online Ulat Filipino » Dagupan

Dalawang bata sa Laoag City, patay dahil sa dengue!

August 15, 2011 6:57am

Tags: Laoag City
Nasa alert level na ang buong lungsod ng Laoag dahil sa mabilis na pagtaas ng bilang ng mga nabibiktima ng dengue kung saan magkapatid na batang babae ang magkasunod na namatay.

Labis ang pagluluksa ng magulang nina Bettina Marie Malinao, 5 anyos at Jessica Malinao, 7 anyos na parehong namatay sa dengue sa Brgy. Calayab, Laoag City.

Si Bettina Marie ay unang namatay noong Agosto dos. Kasunod namang tinamaan ang kapatid niyang si Jessica pero kahapon lang ito namatay.

Sa datos ng City Health Office, 244 na ang naitalang kaso ng dengue sa lungsod kung saan walo na rito ang namatay simula Enero hanggang Agosto.

Ayon kay Dr. Renato Mateo, City Health Officer ng Laoag, masyado na umanong mabilis ang paglobo ng bilang ng mga biktima kaya’t puspusan ang ginagawang information drive sa mga lugar na tinamaan ng dengue.

Dagdag pa niya, pinag-aaralan na rin ngayon kung kailangan ng magdeklara ng under state of calamity ang Laoag City.

Pero ayon sa mga lokal na opisyal, hindi na kailangan magdeklara dahil may sapat na pondo ang lungsod na magagamit para mapuksa ang nakamamatay na sakit na dengue.

Samantala, sa tala naman ng Provincial Health Office, umabot na ng 529 ang kaso ng dengue sa buong lalawigan, 12 na rito ang namatay. --Glamorfe L. Calicdan, GMANews

Tags: Laoag City



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement