Bayan ng Marcos, Ilocos Norte, inulan ng yelo
Bumuhos ng maraming maliliit na yelo kasabay ng malakas na pagkulog at pagkidlat pasado alas tres kahapon sa ilang lugar sa bayan ng Marcos, Ilocos Norte. Laking gulat umano ng mga residente dahil biglang dumagundong ang kanilang bubong dahil sa mga yelong bumagsak. Maswerte namang walang napaulat na nasaktan o nasirang ari-arian. Nagtagal umano ang pag-ulan ng yelo o hailstorm ng apatnapung minuto. âIto nagyayari ito usually ang nakikita natin dito dahil mainit dito sa tropics maliliit lang parang kabutil ng mais yung ang bumabagsak at madali siyang natutunaw", ayon kay Engr. Cynthia Iglesia ng Pagasa, Ilocos Norte. Agad namang ipinasuri ang mga palayan para tignan kung may epekto ito sa mga pananim. Hindi rin naapektuhan maging ang iba pang pananim na gulay dahil agad naman daw natunaw ang mga yelo. âSa awa ng Diyos, wala namang naapektuhan at nasira at ang sabi pa nila eh maganda, blessings namin yan dito sa bayan ng marcos at maganda para sa aming mga tanim na palayâ¦", ang pasasalamat na sabi ni Marcos, Ilocos Norte Mayor Salvador Pillos Para sa ilang mga residente, biyayang maituturing ang naganap na hailstorm pagkat ito ang unang beses na maranasan nila ito sa kanilang lugar. --Glamorfe L. Calicdan, GMANews