ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dengue downs young actress Ynna Asistio


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kabilang ang Kapuso young actress na si Ynna Asistio sa listahan ng tumataas na bilang ng mga nagkakasakit ng dengue sa bansa. Kahit nanghihina, nagpaunlak ng panayam si Ynna kay showbiz reporter Nelson Canlas habang nagpapagaling sa kanilang bahay. Kwento ng aktres, maganda pa ang kanyang pakiramdam noong Huwebes nang magtaping siya ng Sisid sa Zambales. Pero kinabukasan ay nagkaroon na siya ng mataas na lagnat at naapektuhan ang kanyang show sa kalapit na lalawigan ng Pangasinan. Pero matapos uminom ng gamot, bumuti naman daw ang kanyang pakiramdam at nakadalo pa siya sa Sunday variety show na Party Pilipinas. Ngunit pagkaraan nito ay nagtuloy-tuloy na ang pagsama ng kanyang pakiramdam.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nang magpasuri sa ospital, doon na nakita na positibo siya sa dengue. “Nung naospital ako mayroon akong nakasabay parang takot na takot siya, parang natakot din ako ganun baka serious," ayon kay Ynna sa GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Ang labis na ikinabaha ng kanyang magulang ay ang pagbaba ng platelets ni Ynna. Minsan daw ay maganda ang kanyang pakiramdam pero maya-maya ay bigla siyang manghihina. Sa ngayon pinayagan siyang magpagaling sa kanilang bahay pero maaari daw siyang ibalik sa ospital at i-confine kapag nagpatuloy ang panghihina ng kanyang katawan. -- FRjimenez, GMA News