ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Katrina Halili, single and happy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tahimik daw ang buhay ngayon ni Katrina Halili. Bukod sa hindi gumigimik, desisyon din ng magandang aktres na huwag na munang magpaligaw. Sa panayam sa kanya ni showbiz reporter Lhar Santiago, sinabi ng sexy Kapuso star na masaya siya kahit wala siyang love life. “Hindi naman kailangan ang love life para ma-inspire ka sa buhay mo, para gumising ka everyday na maging positive yung pag iisp mo ‘di ba? Family, friend mo, ‘yong buhay mo, so yun lang mai-inspire ka na," paliwanag ni Katrina sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Sa ngayon, pagtutuunan daw muna ni Katrina ang ilang projects at mga show sa labas ng bansa.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ikinagulat din kasi ng marami (maging ng kanyang mga co-stars) ang pagpatay sa kanyang character ni Katrina sa hit primetime drama series na Munting Heridera. Naipaliwanag naman daw kay Katrina kung bakit tinapos na ang kanyang karakter sa drama serye. “Nalulungkot ako siyempre kasi nagpopromote lang ako na oh na-extend kami thank you, ay namatay!… sige okey lang. Okey naman po kinausap naman po nila ako wala na raw pupuntahan yung pagiging bad (ng character)," paliwanag niya. Aminado si Katrina na nalungkot siya sa nangyari dahil napamahal na sa kanya ang show at ang mga kasama niya. Pero nagpapasalamat din siya dahil nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng Munting Heridera na talaga naman daw napakaganda ng istorya. - FRJimenez, GMA News