Vice Ganda, hinamon ng showdown ng 'Wondergays'
Dahil sa umano’y pagmamaliit sa kanilang grupo, hinamon ng all gay group na 'Wondergays' ng showdown ang kanilang idolo na si Vice Ganda.
Sa In The Limelight ng GMA News TV 11 nitong Huwebes, sinabing unang nalaman ng grupong nagpasikat ng kanyang “Blind Item," ang umano’y pagmamaliit ni Vice nang mag-guest sila sa radio program ni Tita Swarding.
Sa isang tweet umano ni Vice, nakasaad dito ang mensaheng: “wondergays, sino ba sila? Wala silang mararating…"
“Sinasabi niyang di niya kami ka-level at hindi raw namin mararating yung narating niya. Ang masasabi ko lang dun sana ‘wag naman ganun kasi idol namin si Vice Ganda at ipinagmamalaki namin talaga na iniidolo namin siya. So sana suportahan na lang, magtulungan tayo tutal pare-pareho naman kaming becki," pahayag ni Blue, na miyembro ng grupo.
“Idol ka namin sa talent pero sa personality…confuse pa kami," ayon naman kay Gray.
Hinanakit ng Wondergays, wala daw silang ginagawang masama para sila maliitin. Katunayan nais pa nga raw sana nilang makasama ang idolo sa isa nilang concert.
Kaya ang hamon ng Wondergays sa kanilang idolo, mag-showdown na lang sila.
Sinabi sa ulat ng ITL na wala na sa Twitter ang naturang mensahe laban sa Wondergays.
Itinanggi na rin umano ng kampo ni Vice ang naturang akusasyon at baka raw na-hack lang ang account nito.
Bukas ang ITL na makuha ang panig ng comedian. - FRJ, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement