GMA News Online
Showbiz
»
Chika Minute

Enzo Pineda, ‘bininyagan’ sa Cosmo bachelor bash

September 16, 2011 9:03pm

Hindi magkamayaw ang mga tao sa idinaos na bachelor bash ng isang magazine nitong Huwebes ng gabi nang rumampa ang mga hunk men na kinabibilangan ng ilang Kapuso stars gaya ni Enzo Pineda.

First time ni Enzo na rumampa sa taunang bachelor bash ng Cosmopolitan magazine at aminado ang aktor na pinaghadaan niya ang naturang okasyon na maaari raw magpabago sa kanyang career.

“May konting pressure rin, ako lang ang Kapuso star na kasama sa centerfold this year. Sa loob-loob ko dapat itaas ko ang bandera ng GMA," pahayag ni Enzo kay showbiz reporter Nelson Canlas para sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes.




Ayon kay Nelson, mahigit na 60 hunks ang rumampa sa Cosmo bash na kinabibilangan ng mga modelo, showbiz personalities at maging mga atleta. Ginawa ito sa World Trade Center sa Pasay City.

Kabilang sa mga nagpakita ng kanilang hunk body ay sina Aljur Abrenica, Jake Cuenca ng My Neighbor’s Wife; Azkal player Anton del Rosario, Rocco Nacino, Geoff Taylor, Roco twin na sina Dominc at Felix; Kris Lawrence, Mike Tan, Daniel Matsunaga, Fabio Ide, Mark Herras, at Atticus King na ex-boyfriend ni Iza Calzado.

Full support naman kay Enzo at nagbigay ng tips sa pagrampa ang mga Kapuso hunk na may karanasan na sa pagrampa sa Cosmo party gaya nina Aljur at Rocco.

Bukod sa pagpapakita ng katawan, sinabi ng mga Kapuso hunk na nakiisa sila sa bachelor bash para makapagbigay ng inspirasyon sa mga nais maging fit at maganda ang pangangatawan. - FRJ, GMA News




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus