ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Duktor sa Bulacan, patay nang masagasaan ng trak
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MALOLOS CITY â Patay ang isang duktor ng Bulacan Rural Health Unit (RHU), matapos mabangga ng isang trak ang motorsiklo na kanyang sinasakyan at masagasaan nitong Martes ng umaga. Kinilala ang nasawi na si Dr. Ian Jay Retuerma, 36, residente ng Brgy. San Nicolas, sa bayan ng Bulacan. Naulila niya ang maybahay niyang si Dra Grace Retuerma, internist sa Bulacan Medical Center sa Malolos City. Mayroon silang isang anak. Ayon kay PO1 Carlito Buco, imbestigador sa kaso, sumuko pagkaraan ng ilang oras sa pangulo ng Meycauayan City Association of Barangay Captain (ABC), ang drayber ng trak na si Arnel Rivera, 40-anyos, residente ng Meycauayan City. Hiwalay namang nadakip ng pulisya ang pahinante ng trak na kinilalang si Ruel Paluga. Batay sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo dakong 9:00 a.m. sa Brgy. Wakas, Bocaue, nang mabangga siya ng trak na minamaneho ni Rivera. Sa kasamaang-palad, nagulungan pa ang biktima ng trak na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan. Matapos ang nangyaring aksidente, tumakas si Rivera at sumuko kay Meycauayan City ABC Bunny Velasco pagsapit ng tanghali. Dakong 3:00 p.m. nitong Martes nang ilipat na sa pulisya ang kostudiya kay Rivera. Ikinuwento ni Dr. Joycelyn Gomez, hepe ng Provincial Public Health Office (PPHO), nagpaalam sa midwife ng RHU si Retuerma dakong 8:00 a.m. na sandaling aalis pero nagbigay ng katiyakan na babalik din kaagad. - GMA News
More Videos
Most Popular