Videoke bar pinasabugan sa Tarlac; 5 katao patay, 7 sugatan
Limang katao ang patay, habang pitong iba pa ang sugatan matapos sumabog ang isang granada sa tapat ng isang videoke bar sa Tarlac nitong Martes ng gabi, ayon sa isang opisyal ng Philippine National Police (PNP). Sa text message na ipinadala ni Chief Superintendent Agrimero Cruz Jr. nitong Miyerkules, dakong 8:20 pm nitong Martes nang hagisan ng dalawang hindi nakilalang suspek ang mga biktimang nakaupo sa labas ng Elisa Videoke Bar sa Barangay San Isidro sa bayan ng La Paz. Kaagad na dinala ang mga biktima sa La Paz Medicare Hospital at PJG Hospital sa Cabanatuan City. Ngunit ilan sa kanila ay idineklarang dead upon arrival. Kinilala ang mga biktimang namatay na sina: ⢠Maria Theresa Labagala, 38, mula Barangay Sto. Rosario Young sa bayan ng Zaragoza sa Nueva Ecija; ⢠Ronaldson Abello, 17, mula Brgy. Central, Tarlac City sa Tarlac; ⢠Rebeca Pineda, 21, Gatiawan, Arayat, Pampanga; ⢠Edwin Bernardo; at ⢠isang "Kim." Ilan naman sa mga nasagutan na ginagamot sa ospital ay sina: ⢠Erwin Miguel, 16, at Randy Casiano, 23, mga residente mula Brgy. Guevara sa La Paz, Tarlac; ⢠Honeylyn Ramos,21, mula Sto. Rosario Young, Zaragosa, Nueva Ecija; ⢠Leonalyn Sandoval, 20, mula Tondo, Manila; at ⢠Jaypee Pineda, 16. Sinabi ni Cruz na patuloy ang imbestigasyon ng pulisya tungkol sa nangyaring pagpapasabog. -- MF/FRJ, GMA News