3 katao sugatan sa bus na tumaob sa Ilocos Sur
Tatlong pasahero ang naiulat na sugatan matapos ang aksidenteng pagtaob ng isang minibus sa Ilocos Sur nitong Huwebes ng umaga. Ayon kay Police Inspector Joseph Fajardo ng Narcavan police, naganap ang insidente matapos ang biglaang paghinto ng driver ng bus upang maiwasan ang isang tricycle. "Nag-sudden brake-stop ang tricycle at iniwasan at doon nag-out of control siya. Tumama ang likuran sa bridge kung saan tumaob itong bus," pahayag ni Fajardo sa radio dzBB. Aniya, 20 na pasahero ang sakay sa bus nang maganap ang insidente 6 a.m. nitong Huwebes. Patungong Isabela province sana ang nasabing bus bago naganap ang insidente. Kasalakuyang nasa kritikal na kalagayan ang tatlong pasaherong sugatan. Sa kabilang banda naman, nasa kamay na ng mga pulis ang nasabing bus driver. â AF/RSJ, GMA News